Martes, Enero 31, 2012

Share of the surviving spouse


Si Willie ay namatay na walang iniwang huling habilin at testamento.  Siya ay may naiwang makabagong hotel, maraming aircon bus at tatlong helicopter.  Kung ang biyuda at kanyang mga kapatid ang naiwang tagapagmana, paano nila paghahatian ang naiwang kayamanan?

Kung ang biyuda at tatlong anak ang naiwang heredero, ano ang hati ng biyuda sa naiwang kayamanan?

Kung may legal separation si Willie at ang kanyang biyuda, meron bang mamanahin ang biyuda?

Mga Sagot
Kung ang naiwang tagapagmana ay ang biyuda at mga kapatid ni Willie, kalahati ang mapupunta sa kanyang biyuda at ang kalahati ay sa kanyang mga kapatid kahit gaano man sila karami.

Ang legitime ng mga anak ay kalahati ng kayamanan.  Ang kalahati ay paghahatian ng tatlong anak ni Willie.  Ang mamanahin ng biyuda ay tulad ng mana ng isang anak.  Ang natitira ay paghahatian ng tatlong anak.

Kung ang biyuda ang may kasalanan sa paghihiwalay, wala siyang mamanahin ngunit kung wala siyang kasalanan sa hiwalayan, siya ang maaaring magmana.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento