Noong
1989, si Ysmael na noon ay biyudo na apatnapung taon gulang ay nakipaglive-in
kay Corazon isang biyuda na tatlumpong taon gulang. Habang sila ay magkalive-in, nakabili sila
mula sa kanilang ipon ng isang sakahan.
Pagkatapos
na si Ysmael and Corazon ay naghiwalay, si Ysmael ay nakipaglive-in kay
Maribel, isang dalagitang labing-anim na taong gulang. Habang nakikipaglive-in kay Maribel, si
Ysmael ay isang suwelduhang kawani at si Maribel ang nag-asikaso sa bahay para
kay Ysmael at walang ginawa kundi gawaing bahay. Habang sila ay magkalive-in, isang niyogan
ang nabili ni Ysmael mula sa kanyang ipon.
Pagkatapos
ng isang taon, si Ysmael and Maribel ay naghiwalay. Nakilala ni Ysmael si Leticia, isang dalagang
dalawamput anim taong gulang. Habang
sina Ysmael at Leticia ay mag-asawa, bumili si Leticia ay bumili ng manggahan
mula sa kanyang sariling kita.
Mga
tanong:
a.
Sa
pagitan ni Ysmael at Corazon, sino ang may-ari ng sakahan? Anong ugnayang
pagmamay-ari ang umiral?
b.
Sa
pagitan ni Ysmael at Maribel, sino ang may-ari ng niyogan? Anong ugnayang
pagmamay-ari ang umiral?
c.
Sa
pagitan ni Ysmael at Leticia, sino ang may-ari ng manggahan? Anong ugnayang
pagmamay-ari ang umiiral/
Mga
Sagot:
a.
Sina
Ysmael at Corazon ang may-ari ng sakahan.
Ang ugnayang pagmamay-ari ay co-ownership dahil ang pinambili ng sakahan
ay galing sa tinipong ipon ni Ysmael and Corazon. Ayon sa Article 147 ng Family Code, kung ang
isang lalaki at isang babae ay walang balakid na magpakasal ay nakapagpundar ng
mga ari-arian, ang ugnayang pagmamay-ari ay co-ownership.
Ngunit, pagkatapos ng
kasal nila Ysmael at Leticia, ang parte ni Ysmael sa sakahan ay naging bahagi
ng absolute community property nila Ysmael and Leticia.
b.
Si
Ysmael ang mag-isang may-ari ng niyogan.
Ang ugnayang pagmamay-ari ay sole proprietorship. Ayon sa Article 148 ng Family Code, kung ang
magkalive-in ay walang kalayaang magpakasal ay nakapagpundar ng mga ari-arian,
kung sino ang bumili nito siya ang may-ari nito. Sa kaso nila Ysmael at Maribel, walang
kalayaang magpakasal si Maribel dahil wala pa siyang labingwalong taon gulang.
Ngunit, pagkatapos ng
kasal nila Ysmael at Leticia, ang niyogan ay naging bahagi ng absolute community
property nila Ysmael at Leticia.
c.
Sina
Ysmael at Leticia ang may-ari ng manggahan.
Ang ugnayang pagmamay-ari ay absolute community of property. Ayon sa Family Code, kapag walang pre-nuptial
agreement ang mag-asawa ang ugnayang pagmamay-ari ay absolute community of
property.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento