Huwebes, Enero 5, 2012

Who gives consent in adoption?


Ang mag-asawang Rex and Lea ay may dalawang anak na may edad 14 at 8.  Habang sila ay kasal, si Rex ay nagkaroon ng anak sa ibang babae at ito ay 10 taong gulang na.

Nang madiskubre ni Lea ang pagkakaroon ng anak ni Rex sa ibang babae, siya ay nagsampa ng kasong paghihiwalay at ito ay inaprobahan ng korte.

Pagkatapos, gustong ampunin ni Rex ang kanyang anak sa labas.

Mga tanong:
  1. Kaninong pahintulot ang kailangan sa pag-ampon ni Rex sa kanyang anak sa labas?
  2. Kung walang hiwalayan, puwede pa rin bang ampunin ni Rex ang kanyang anak sa labas?

Mga sagot:
  1. Ang dalawang anak ni Rex and Lea ang kailangang magbigay ng pahintulot para ampunin ni Rex ang kanyang anak sa labas.
Ayon sa batas, kailangan ang mag-asawa ang mag-ampon.  Pero dahil hiwalay na si Lea kay Rex hindi na kailangan ng pahintulot ng nauna.

  1. Puwede pa rin ampunin ni Rex ang kanyang anak sa labas kahit na hindi sila naghiwalay ng kanyang asawa.
Ayon sa batas, kapag ang aampunin ay anak sa labas ng aampon, hindi kailangang ang mag-asawa ang mag-ampon.  Dahil ang pag-ampon sa anak sa labas ay para ito ay maging legitimate child.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento