Si Ana
ay may-ari ng isang parsela ng lupa ng walang titulo sa Cabanatuan City. Dahil siya ay nasa labas ng bansa, tinawagan
niya ang kanyang kapatid na si Patricia sa pamamagitan ng long distance call
para pagsabihang ibenta ang kanyang lupa at pumirma sa kontrata sa bentahan ng
lupa para sa kanya.
Dahil dito,
ibenenta ni Patricia kay Bobby noong March 31, 2001 at pumirma si Patricia sa
kontrata para kay Ana. Binayaran ni
Bobby ang halaga ng lupa.
Hindi
alam ni Andres ang naganap na bentahan ng lupa kay Bobby, sinabi ni Andres kay
Patricia ang kanyang interes na bilhin ang nasabing lupa pero hinanapan ang
huli ng kanyang kapangyarihan kay Ana.
Sinadya ni Patricia na hindi sabihin kay Ana na naibenta ng niya ang
lupa kay Bobby bagkus humingi pa ito ng nakasulat na karapatang magbenta.
Ipinadala
ni Ana ang kapangyarihang magbenta ng lupa si Patricia sa pamamagitan ng
e-mail. Pagkatapos, ibinenta ang lupa
noong May 1, 2001 kay Andres ng buwanang hulog sa loob ng dalawang taon. Ang unang hulog ay dapat bayaran sa katapusan
ng May 2001.
Tanong:
Sino
kina Bobby at Andres ang mas may karapatan sa lupa?
Sagot:
Si
Andres ang mas may karapatan sa lupa ni Anna.
Ayon sa
batas, ang bentahan ng lupa sa pamamagitan ng ahente ay dapat nakasaad sa
special power of attorney. Dapat ding
nakasaad sa special power of attorney ang description ng lupa kasama ang
boundaries at area nito. Kung hindi
masunod ang panuntunang ito ang kontrata ay unenforceable.
Sa kaso
ni Bobby, dahil walang special power of attorney si Patricia mula kay Ana para
ibenta ang lupa kahit na maghabla pa si Bobby para ibigay sa kanya ang lupa
hindi ito pahihintulutan ng korte dahil ang kanilang kontrata ay unenforceable.
Si
Andres ang may karapatan sa lupa dahil noong ibenta ni Patricia sa kanya ang
lupa, ang huli ay may hawak na special power of attorney mula kay Ana. Kapag may special power of attorney ang isang
ahente para ring ang principal ang pumasok sa kontrata.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento