Huwebes, Enero 12, 2012

Falsified Deed of Sale


Si Anastasia ay may-ari ng tituladong lupain.  Ang titulo ay kanyang ipinagkatiwala kay Basilia, ang kanyang sekretarya.  Ginaya ni Basilia ang pirma ni Anastasia sa isang dokumento ng bentahan ng lupa at pinalabas na ibenenta ni Anastacia kay Basilia ang lupain.  Dahil sa nasabing dokumento, nagkaroon ng titulo sa lupa si Basilia.

Mga tanong:
a)   Naging may-ari ba si Basilia sa lupa dahil sa titulo sa kanyang pangalan?
b)   Kung ibebenta ni Basilia ang lupa kay Cornelia, magiging tunay na may-ari ba siya?

Mga sagot:
a.   Hindi naging may-ari si Basilia sa lupa kahit may titulo ito sa kanyang pangalan.  Ayon sa Section 55 ng Act 496, si Anastacia ay hindi mawawalan ng pag-aaring lupain kung ang papeles sa paglilipat ng pangalan ay ginayang walang pahintulot.  Totoo ngang binibigyan ng proteksyon ang batas ang isang innocent purchaser for value, binibigyan ng mas malaking proteksyon ang may-ari ng tituladong lupa.  Sa kaso ni Basilia, hindi siya maituturing na innocent purchaser for value dahil siya ang palsipikador.

b.   Si Cornelia ay maging tunay na may-ari sa lupain.  Ito ay halimbawa ng kasong kahit hindi malinis ang papel ng nagbebenta kung ang bumibili ay maituturing na innocent purchaser for value ang huli ay magiging tunay na may-ari nito.  Ang bumili ay maituturing na innocent purchaser for value kung (a) hindi niya alam ang depekto sa papel ni Basilia, (b) bumayad siya ng tamang presyo at (c) kung bumili siya sa tayong nakahalad ang pangalan sa titulo.

1 komento:

  1. May narinig akong na what is illegal from the start is illegal to the end. Mas matimbang pa ba rin iyong i invoke na purchaser in good faith.

    Thank you Attorney for this informative blogs. it help me much in my practice as Real Estate Broker.

    TumugonBurahin