Lunes, Enero 2, 2012

In-Vitro Fertilization


Si August ay nakipagkasundo kay Kikay para magbuntis ang anak nya pamamagitan ng in vitro fertilization.  Ayon sa kasunduan, sagot ni August ang lahat ng gasto na may kinalaman sa pagbubuntis at panganganak ni Kikay.  Sa araw ng panganganak ni Kikay, bibigyan siya ni August ng dalawang milyong piso at ibibigay naman ni Kikay kay August ang iniluwal niyang sanggol.

Mga tanong:
Puwede bang bawiin ni Kikay ang kanyang anak?
Kung bawiin ni Kikay ang kanyang anak, puwede bang bawiin ni August ang ibinigay niyang dalawang milyong piso?
Sino kay August at Kikay ang may parental authority sa sanggol?
Ang sanggol ay meron bang karapatang suportahan at magmana mula kay August?

Ang pagpapaliwanag:
Ang in-vitro fertilization ay pagbubuntis na walang pagtatalik.  Ang fetus na nabuo sa pamamagitan ng science kung saan ang egg cell ng babae at ang sperm cell ng lalaki ay pagtatagpuin.  Ang magulang ng lalabas na sanggol ay ang lalaking may-ari ng sperm cell at ang babaeng may-ari ng egg cell.

Sagot sa unang tanong:
Puwedeng bawiin ni Kikay ang sanggol na kanyang inilual.  Dahil kay Kikay ang egg cell at siya ang nagdala nito sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam ng buwan, siya ang nanay ng sanggol.  Ang sanggol ay hindi maaaring ihiwalay sa kanyang ina hanggang ito ay magka-edad ng sampung taon gulang kung saan puwede na siyang mamili kung sino sa kanyang mga magulang siya sasama. 

Sagot sa pangalawang tanong:
Ang sanggol ay hindi paninda kaya walang nagbebenta at bumibili.  Si August ang ama ng sanggol dahil sa kanya nanggaling ang sperm cell.  Bilang ama, siya ay may karapatan sa bata kahit wala siyang bayad na ibibigay.  Bilang ama, mayroon din siyang responsibilidad sa ina ng bata sa pagdadala nito ng sanggol sa loob ng siyam na buwan.  Kaya hindi mababawi ni August lahat ng dalawang milyong peso.

Sagot sa pangatlong tanong:
Si August at si Kikay ang may parental authority sa sanggol.  Dahil sa binagbuklod nilang egg cell at sperm cell na naging tao, si August at Kikay ay naging magulang ng sanggol na ito. 

Sagot sa pang-apat ng tanong:
Ang sanggol ay may karapatang suportahan at pamanahan ni August.  Dahil ang sperm cell ay nanggaling kay August, siya ang ama ng sanggol.  Bilang ama ng sanggol, si August ay may tungkulin sa batas para sa suportahan ito at magmana sa mga kayamanang iiwan ni August kung siya ay kukunin na ng lumikha sa kanya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento