Lunes, Enero 9, 2012

Surnames


Ang mag-asawang Bernard and Jocelyn ay nagkaroon ng dalawang anak.  Kahit na may malaking pagkakaiba ng ugali, ang mag-asawa ay natira pa rin sa iisang bubong.  Si Bernard ay nagkaroon ng anak na lalaki sa ibang babae at pinangalanang Joshua.  Si Jocelyn naman ay nagkaroon ng anak na babae sa ibang lalaki at pinangalanang Barbara.

Mga tanong:
  1. Kung ang apelyidong dadalhin ni Barbara ay ang apelyido ni Bernard, ano ang dapat gawin ni Bernard upang maprotektahan ang karapatan ng kanilang dalawang anak?
  2. Kung tatahimik lang si Bernard na gagamitin ni Barbara ang kanyang apelyido, ano ang maging resulta?

Mga Sagot:
  1. Kung ang apelyidong dadalhin ni Barbara ay ang apelyido ni Bernard, dapat ilagay sa kanyang birth certificate ang pangalan na kanyang tunay na ama at nararapat din nakasaad sa parehong birth certificate ni Barbara ang pagkikilala nito bilang anak.

Ayon sa batas, ang pagdala ng apelyido ay hindi magbibigay ng karapatan upang magmana tulad ng tunay na anak.

Sa kaso ni Barbara, kahit na dala niya ang apelyido ni Bernard hindi magbibigay karapatan sa kanya para magmana tulad ng dalawang anak ni Bernard at Jocelyn.  Bilang illegitimate child, ang tatanggaping mana ni Barbara ay kalahati lang ng mana ng isa sa mga anak ni Bernard at Jocelyn.

  1. Kung tatahimik lang si Bernard na gamitin ni Barbara ang kanyang apelyido kahit siya ay anak ni Jocelyn sa ibang lalaki, si Barbara ay magmamana tulad ng dalawang anak ni Bernard at Jocelyn.

Ayon sa batas, ang anak na nabuo sa pagitan ng mag-asawa ay ipinapalagay na legitimate.

Sa kaso ni Bernard kung tatahimik lang siya sa pagdala ni Barbara sa kanyang apelyido kahit na alam niyang si Barbara ay hindi niya anak, ang maging resulta ay ipapalagay ng batas na si Barbara ay tunay na anak nila Bernard at Jocelyn at magmamana tulad ng dalawang nilang anak.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento