Linggo, Enero 15, 2012

Last Will and Testament


Si William at Yayo ay may tatlong anak.  Isang araw, pumunta sa abogado si William para magpagawa ng last will and testament.  Gusto niyang isulat sa kanyang last will and testament na ang lahat ng kanyang ari-arian ay mapunta lahat kay Yayo kapag siya ay namatay na.

Tanong:
Ayon ba sa batas ang gustong gawin ni William?

Sagot:
Hindi po.  Ayon sa Civil Code may tinatawag ng legitime.  Ito ay bahagi ng iiwang kayamanan (estate) ng namatay na tao na protektado ng batas.  Ang legitime ng mga anak ay kalahati ng iiwanang kayamanan.  Ang legitime ng asawang maiiwan ay katulad ng bahagi ng isang legitimate na anak.

Sa kaso ni William, kalahati ng iiwang kayamanan niya ay legitime ng kanyang tatlong anak.  Ang legitime naman ni Yayo ay ikatlong bahagi ng kalahati ng iiwang kayamanan.  Kaya ang natitirang dalawang bahagi ng iiwang kayamanan lamang ang maaaring ibigay sa pamamagitan ng will.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento