Sina
Gabriel and Beverly ay ikinasal noong July 3, 1989. Noong March 4, 2001 ang kanilang kasal na
hindi nagbunga ay naideklarang walang saysay ayon sa Article 36 ng Family
Code. Noong naideklarang walang saysay
ang kasal, ang mag-asawa ay may ari ng mga sumusunod ng pag-aari:
·
Isang
bahay at lupa nabili ni Beverly noong August 3, 1988, ikatlong bahagi (1/3) na
downpayment ay binayaran ni Beverly; ikatlong bahagi (1/3) ay binayaran ni
Gabriel noong February 14, 1990 mula sa regalong ibinigay ng kanyang mga
magulang para sa kanyang pagtatapos sa Kolehiyo noong April 6, 1989 at ikatlong
bahagi (1/3) ay binayaran mula sa ipon ng mag-asawa.
· Isang
apartment na iniregalo kay Beverly ng kanyang tiyo noong June 19, 1987.
Mga tanong:
Sino ang may-ari sa mga bahay at lupa at
ang apartment?
Kung sina
Gabriel and Beverly ay ikinasal noong July 3, 1987 at ang kanilang kasal ay
napawalang saysay noon 2007, sinong may-ari sa bahay at lupa at ang apartment?
Sagot sa Unang Tanong:
Ang bahay at
lupa ay kina Gabriel at Beverly pa rin ngunit kung ito ay paghahatian nila
dahil sa pagkadeklarang walang saysay ng kanilang kasal, si Gabriel ay
magmamay-ari ng ikatlong bahagi (1/3) iyong binayaran niya mula sa regalong
ibinigay ng kanyang mga magulang para sa kanyang pagtatapos sa Kolehiyo at ang
dalawang ikatlong bahagi (2/3) iyong downpayment ni Beverly at iyong binayaran
sa ipon ng mag-asawa ay paghahatian ng mag-asawa.
Ayon sa batas
kung nagpakasal ang magsing-irog na walang pinirmahang Pre-Nuptial Agreement sa ilalim ng Family Code, ang kanilang property relations ay absolute community of properties kung
saan lahat ng pag-aari nila noong sila ay mga dalaga at binata pa ay maging
bahagi ng absolute community of
properties na kanilang hahatiin sa dalawa kapag sila ay nagkahiwalay o ang
isa ay pumanaw.
Sa kaso nila
Gabriel at Beverly, ang downpayment ni Beverly sa bahay at lupa at ang
binayaran nila noong sila ay mag-asawa pa ay bahagi ng absolute community of property.
Pero ang ikatlong bahagi na binayaran ni Gabriel mula sa perang
iniregalo ng magulang niya sa kanyang pagtatapos sa Kolehiyo ay hindi naging
bahagi ng absolute community of property dahil itinadhana ng Family Code na ang
mana or regalong tinanggap ng mag-asawa pagkatapos ng kasal ay exclusive
property ng tumanggap ng regalo o mana.
Ang apartment ay
naging bahagi ng absolute community of
property nila Gabriel at Beverly at paghahatian nila dahil sa kanilang
hiwalayan.
Sagot sa Pangalawang Tanong:
Ang pagpapakasal
ni Gabriel at Beverly noong July 3, 1987 ay hindi sakop ng Family Code at ang umiiral na batas ay ang Civil Code. Ayon sa Civil Code, kung ang magsing-irog ay
nagpakasal na walang pinirmahang Pre-Nuptial
Agreement, ang kanilang property
relations ay conjugal partnership of
gains na kung saan ang mga pagmamay-ari ng magsing-irog sa kanilang mga
kayamanan ay hindi magbabago. Sila pa
rin ay may ari nito at ang bunga o kita lamang ang napupunta sa conjugal partnership of gains. Ang pag-aari ng lalaki bago ikasal ay
tinatawag ng capital properties at ang pag-aari ng babae bago ikasal ay
tinatawag ng paraphernal properties.
Ang bahay at
lupa ay kina Gabriel at Beverly pa rin ngunit kung ito ay paghahatian nila
dahil sa pagkadeklara ng kanilang kasal na walang saysay, ang ikatlong bahagi
(1/3) na binayaran ni Beverly bago sila ikinasal ay ibabalik sa kanya dahil ito
ay kanyang paraphernal property, ang pangalawang ikatlong bahagi (1/3) na
binayaran ni Gabriel mula sa regalong tinanggap niya mula sa kanyang mga
magulang ay ibabalik din sa kanya dahil ito kanyang capital property at ang
pangatlong ikatlong bahagi (1/3) na binayaran mula sa ipon ng mag-asawa ay
kanilang paghahatian dahil ito lamang ang maituturing na conjugal partnership
property nila.
Ang apartment ay
ibabalik kay Beverly dahil ito ay iniregalo sa kanya habang siya ay dalaga pa
at ito ay kanyang paraphernal property.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento