Linggo, Enero 1, 2012

Room Rent


Si Cara ay pumunta sa Dagupan para mag-aral sa kolehiyo.  Siya ay nag-board sa bahay ni Aling Sally.

Sa pangatlong taon ng kolehiyo ni Cara, hindi siya nakabayad ng kanyang renta dahil hindi nakapagpadala ang kuya niyang seaman sa kadahilanang na-hostage ng mga piratang Somalian.  Ipinadlock ni Aling Sally ang kuwarto ni Cara dahil sa tatlong buwan nitong pagliban sa pagbabayan ng renta.  Nakalahad sa kanilang kontrata na maaring ipadlock ni Aling Sally ang kuwarto ni Cara kapag hindi nakabayad ang huli ng tatlong buwang renta.

Tanong:
Tama ba na ipadlock ni Aling Sally ang kuwartong inuupahan ni Cara?

Sagot:
Mali, hindi dapat ganoon ang ginawa ni Aling Sally.  Ayon sa batas, kahit may kontrata ang nagpaparenta at nagrerenta na maaaring ipadlock ang kuwarto kapag hindi nakapagbayad ng renta, ang kontrata ay walang bisa.  Ang papadlock ng kuwartong paupahan kapag hindi nakabayad ng renta ay paglalagay ng batas sa kamay ng may-ari ng gusali.  Ang tamang proseso ay pagpapadala ng abisong hindi pagbabayad ng renta sa takdang araw, pagpapala ng abiso na pinuputol na ang ugnayang rentahan at bibigyan ng panahon para lisanin ng mapayapa ang nirerentahan.  Kapag lumipas ang panahon ibinigay para lumisan ng mapayapa.  Dadalhin ang usapan sa Lupong Tagapamayapa ng barangay na may sakop.  Bago pa lang magsampa ng kasong ejectment.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento