Isang pasahero ng taxi ay sinadyang patayin ng
driver nito. Ang operator ba ng nasabing
taxi ay may civil liability sa
pangyayari?
Ayon sa Article 1759 ng Civil Code ang
pampasaherong sasakyan (common carrier) ay may pananagutan sa kamatayan o sugat
ng mga pasahero dahil sa kapabayaan or sadyang kilos ng mga emplyeado nito
kahit ang nangyari ay labag sa kautusan ng may-ari ng pampasaherong sasakyan o
lumabis sa kautusan nito. Ang civil liability na ito ay hindi nawawala
kahit may ibidensiya ang may ari ng pampasaherong sasakyan ay hindi nagpabaya
sa pagpili at pagbantay sa gawain ng kanyang mga empleyado.
Ang pananagutan ng may-ari ng pampasaherong
sasakyan ay hindi base sa paglabag sa batas (delict) or quasi-delict. Ang pananagutan ng may-ari ng pampasaherong
sasakyan ay primary at hindi maaaring alisin o bawasan sa pamamagitan ng
kasunduan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento