Miyerkules, Enero 18, 2012

Changing partners


Noong taong 1989, si Maris, isang Filipina ay ikinasal sa kanyang among si Johnson, isang Americano, sa isang kasalan sa Tokyo ayon sa batas ng Hapon.  Pagkalipas ng isang taon, umuwi si Johnson sa Nevada kung saan siya ipinanganak at nakakuha ng lubusang paghihiwalay (absolute divorce) sa kanyang asawang si Maris.

Pagkatapos matanggap ni Maris ang desisyong lubusang paghihiwalay, nagpakasal siya sa kanyang kabataang kasintahang si Pedro, isang Filipino, sa isang kasalang ayon sa pananampalataya sa Cebu ayon sa itinatadhana ng batas ng Pilipinas.  Di naglaon, pumunta sa America si Pedro at nating Americano.  Sumunod si Maris kay Pedro sa America at pagkatapos ng matinding away, nagsampa at nakakuha si Maris ng paghihiwalay (divorce) sa korte ng Maryland.

Bumalik si Maris sa Pilipinas at sa isang sibil na seremonia sa Cebu City ayon sa batas ng Pilipinas, ikinasal siya sa kanyang kaklaseng si Vincent, isang ring Filipino.


Mga Tanong:
(a)      Ang kasal ba ni Maris at Johnson ay legal noong ito ay ginanap?  Ang kanilang kasal ba ay legal pa hanggang ngayon?

(b)      Ang kasal ba ni Maris at Pedro ay legal noong ito ay ginanap? Ang kanilang kasal ba ay legal pa hanggang ngayon?

(c)      Ang kasal ba ni Maris at Vincent ay legal noong ito ay ginanap? Ang kanilang kasal ba ay legal hanggang ngayon?

(d)      Sa pangahong ito, sino ang legal na asawa ni Maris.


Mga Sagot:
(a)  Ang kasal nila Maris at Johnshon ay legal noong ito ay ginanap dahil lahat ng kasal na pinagtibay sa labas ng Pilipinas ayon sa batas ng bansa kung saan ito ginanap kung sa lugar na ito ay legal ay legal din sa Pilipinas.

Ang kasal nila Maris at Johnson ay nawalan ng saysay dahil sa bisa ng lubusang paghihiwalay na iginawad ng korte kay Johnson na nagbigay karapatan kay Maris upang makapag-asawang muli.

(b)  Ang kasal ni Maris at Pedro ay legal noong ito ay ginanap dahil ang lubusang paghihiwalay na iginawad kay Johnson ay nagbigay ng karapatan kay Maris para makapag-asawa muli kay Pedro.

Ang kasal nila Maris at Pedro ay hindi napawalang saysay ng lubusang paghihiwalay na iginawad ng korte sa Maryland kay Maris.

(c)  Ang kasal nila Maris at Vincent ay hindi legal dahil ito ay kasalang bigamya dahil hindi napawalang bisa ang kasal ni Maris at Pedro.

Ang kasal nila Maris at Pedro ay hindi napawalang bisa ng lubusang paghihiwalay na iginawad kay Maris sa Maryland dahil ang dapat na magsampa ng lubusang paghihiwalay ay ang asawang Filipino na naging Amerikano.

Ayon sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman, kung ang isang Filipino ay pumunta sa ibang bansa at naging citizen sa lugar na kanyang pinuntahan.  Kung may batas ng lubusang paghihiwalay doon at hiniwalayan ang asawang naiwan sa Pilipinas ayon sa nasabing batas upang muling mag-asawa, ang asawang Filipina na naiwan sa Pilipinas ay nagkakaroon ng karapatant mag-asawa muli.

Sa kaso nila Maris at Pedro, hindi nabigyan karapatan si Maris na mag-asawang muli dahil si Pedro dapat ang nagawaran ng lubusang paghihiwalay sa Maryland.

(d)  Sa pagkakataong ito, ang legal na asawa ni Maris ay si Pedro dahil ang kanilang kasalan ay hindi napawalang bisa ayon sa batas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento