Sabi ni Hanna Lois Sarmiento Rada-Juico:
yung husband ko po
kasi ang ginamit na pangalan ay Jerocel pero nung kumuha po ng NSO para sa
passport, Jarosel po ang pangalan.
Ngayon po yun na ang gamit niya pero yung marriage at birth certificate
ng mga bata eh Jerocel pa rin po ang nakalagay.
Anu po kaya ang pinakamadaling gawin?
Sagot:
Sa sitwasyong isinaad mo, mas nakakabuting ang baguhin ay ang pangalan ng mister mo sa kanyang birth certificate. Ayon sa iyo, Jerocel ang kanyang pangalan sa marriage contract ninyo at sa mga birth certificate ng inyong mga anak.
Kung susundin kasi ang kanyang pangalan ayon sa kanyang birth certificate, lahat ng pangalan niya sa marriage contract ninyo at birth certificate ng mga anak ninyo ang babaguhin.
Ayon sa Republic Act 9048, puwede nang i-correct ang pangalang nakalagay sa birth certificate ng Civil Registrar at hindi na kailangan pang dumaan ang pag-correct sa korte. Pumunta ka na lang sa Civil Registrar kung saan nakaregistro ang mister mo at hilingin sa Civil Registrar ang pag-correct sa pangalan ng mister mo sa kanyang birth certificate.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento