Si Martina ay anak ni Claudia Santiago sa
pagkadalaga ay nagpakasal kay Richard Jimenez isang binata at hindi ama ni
Martina. Noong i-registro si Martina sa
Local Civil Registrar pumirma sa Birth Certificate ni Martina ang kanyang ama
at kinikilala siya bilang anak. Si Martina
Santiago ay nagsampa ng petisyon para palitan ang kanyang apelyido at sundin
ang apelyido ni Richard na sang-ayon naman dito.
Tanong:
Aayunan ba ng korte ang petisyon?
Sagot:
Opo. Ayon sa
Family Code, ang anak sa pagkadalaga ay magdadala ng apelyido ng kanyang
ina. Ito man kinilala ng ama o
hindi. Dahil sa Ramon Revilla law, maaaring
dalhin ng anak sa labas ang apelyido ng kanyang ama kapag ito’y kanyang
kinilala o siya ay pumirma ng kasulatang kumikilala ng kanyang anak sa labas.
Ganoon pa man, pinapayagan pa ring ng korte na
palitan ni Martina ang kanyang apelyido at kanyang gamitin ang apelyido ni
Richard. Ang hangarin ng batas sa
pagpayag na palitan ang apelyido ng isang tao para mapabuti ang kanyang pagkatao
at mai-angat ang kanyang kapakanan. Ang
pagpayag sa pagpapalit ng apelyido ay isang paraan para matanggal ang mantsa ng
pagiging illegitimate child kung patuloy niyang dadalhin ang apelyido ng
kanyang ama.
may anak po akong lalaki apilyido ng tatay nya pdde ko po bng ipa apilyido nlng n akin ang bata...?
TumugonBurahinAyon sa Family Code kapag hindi kasal ang mga magulang ng bata ang kanyang dadalhing apelyido ay ang apelyido ng ina.
TumugonBurahinIsinabatas ang Ramon Revilla on Law on Surnames para maiwas ang situation na baka maging mag-asawa ang mga anak ni Ramon Revilla sa iba ibang babae kung kanilang dadalhin ang apelyido ng kanilang ina.
Direktang sagot sa tanong mo, Ina, ay pwedeng sa apelyido mo ang anak mong lalaki kung noong iniluwal mo siya ay hindi kayo ikinasal ng kanyang ama.
Papaano po ung akin gsto ko gamitn ng ama ng mga anak ko ang apilido niya dhil nararapat un pero d kmi kasal papaano po un lalo n ngyn din magfile ako mg case din sa ama ng mga anak ko sa kadahilanan ng d niya pagsuporta sa mga bata. At ng maparimahan ko din ang birthcertificate nila ok lng po b un?
TumugonBurahin