Miyerkules, Pebrero 1, 2012

Concealment of sexual status


Romeo, 19, lalaki at Juliet, 17, babae ay nagpakasal.  Ang kanilang kasalan ba ay mapapawalang bisa dahil sa pagiging wala sa edad ni Juliet?

Mapapawalang bisa ba ang kasal dahil itinago ni Juliet ang katotohanang meron na siyang alam sa kamunduhan sa oras ng kanyang kasal o kung si Romeo ay walang kakayanang makipagtalik pagtapos ng kasal.

Mga Sagot:
Ang legal age or age of majority ay itinalaga sa Family Code sa taong labing walong taon gulang.  Sa legal age or age of majority may kakayahang pumasok sa kontrata kasama ang kontrata ng kasal.

Ang kasal nila Romeo at Juliet ay mapapawalang bisa dahil si Juliet ay kulang sa edad

Ang kasal ay hindi mapapawalang bisa dahil sa pagtatago ng katotohanang may kaalaman sa kamunduhan dahil ito ay hindi matuturing na pandaraya.  Ang pagtatago ng tunay na katayuhang seksual ay hindi dahilan sa pagwawalang bisa ng kasal.  Ngunit ang pagtatago sa katotohanan ng pagkabuntis sa lalaking hindi ang pakakasalan ay matuturing na pandaraya.

Ang walang kakayanang makipagtalik para maging dahilan ng pagwawalang bisa ng kasal ay dapat dala na ng lalaki sa oras ng kasal.  Ang walang kakayanang makipagtalik pagkatapos ng kasal ay hindi dahilan ng pagwawalang bisa ng kasal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento