Martes, Pebrero 21, 2012

Recovery of Possession and Ownership


#4 SOLITA A. MARTIN | May 16, 2010
Good day I just want to know what legal action my friend will do regarding her problem. She was able to buy a house and lot while working abroad her mother was in charge because she was not here, so in the deed of sale and any other legal documents regarding the said parcel of lot was name after her mother. Several years past her mother died but she was able to tell my friend that she can have the property and she leaves all the documents to her and even gave her a power of attorney to manage the said property and the other property. As of this days her sister rent her property and receiving the rent for nine (9) months now without her consent, what action she can do to gain control of her property, because her sisters don’t want to accept her ownership of the said property. She is single, second to the last child and her sisters were the eldest and the youngest. Please advice

Sagot:
Dahil ang dokumento ay nakapangalan sa kanyang nanay, sa mata ng ibang tao ang bahay at lupa ay pag-aari ng kanyang nanay.  Kaya noong namatay ang kanyang nanay, ang nasabing bahay at lupa ay ipinamana ng kanyang ina sa lahat ng mga anak kasama itong kaibigan mo.

Walang bisa ang special power of attorney na ibinigay ng kaibigan mo sa kanyang kaibigan para i-manage ang kanyang property sa parehong dahilan na wala sa kanyang pangalan ang nasabing bahay at lupa.

Sa ngayon ang inaasahan nating dokumento ay Tax Declaration ng bahay at lupa sa pangalan ng kaibigan mo ay ang kanyang mga kapatid.  Kung may titulo ang lupa, ganoon din nakapangalan sa kaibigan mo at ang kanyang mga kapatid.

Ang kanyang ate bilang co-owner ay may karapatang magparenta sa bahay at lupa ngunit ang renta ay dapat para sa kanilang lahat ng co-owner.

Kung ayaw kilalanin ng mga kapatid ng kaibigan mo na siya ang may-ari sa bahay at lupa dahil ang pera niya ang pinambili dito, kailangang magsampa siya ng kaso sa korte at patunayan na noong panahon na nabili ang bahay at lupa, siya lang ang may kakayahan para bumili nito.

Sana noong ipinangalan sa kanyang nanay ang bahay at lupa, mayroon sanang dokumentong pinirmahan nagsasabing pera ng kaibigan mo ang pinambili sa bahay at lupa at nasa pangalan lang ng nanay pansamantala habang ang kaibigan mo ay nasa abroad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento