Linggo, Pebrero 19, 2012

transfer of documents


#3 LYN | April 26, 2010
my parents died without any last will of testament of their lands, im the eldest of 4 child. presently im out of the country for work and my sisters were still under of age, all of the documents that still named by my parents are with my aunt for keeping it for the time that im away, my question is, is there any possibilities that they may take advantage of transferring all the documents into her name? and in the time that im coming back home to take those documents, how will i know that those documents are still same documents that i left to her? and how i can transfer it to me and my sisters name?  pls help me.

Sagot
Sa iyong katanungan ng posibilidad na ilipat ang pangalan ng titulo sa pangalan ng iyong tiyahin, walang legal na paraan para mailipat ng tiyahin ang titulong nakapangalan sa iyong mga magulang sa kanyang pangalan.  Para mailipat ng tiyahin mo ang mga titulo sa kanyang pangalan, i-falsify niya lahat ng pirma ninyong magkakapatid.

Paano mo malalaman kung iyong lahat ng documentong ipinagkatiwala mo ay iyon din ang ibinabalik sa iyo sa iyong pagbakasyon? Sana bago ibinigay ang mga ito, meron kang listahan ng mga titulo at may nilagdaan ang tiyahin mo bago ito tinanggap.  Kung may duda kang hindi na lahat ibalik sa iyo, puwede mo naman tanungin yong Municipal Assessor sa lugar ninyo lahat ng lupain ng mga magulang mo sa petsa ng kanilang pagkamatay.

Dahil namatay na ang iyong mga magulang, ang legal na paraan sa paglipat ng pangalan mula sa kanila papunta sa kanilang tagapagmana ay extrajudicial settlement of estate.  Sa dokumentong ito, pipirma kayong lahat na magkakapatid para mailipat sa inyong pangalan ang mga titulong nakapangalan sa inyong mga magulang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento