Ang testator ay may
tatlong anak sina Andoy, Bimbim at Cathy; asawang si Warlita;
amang si Facundo; isang recognized
natural child na si Nani, at isang adulterous child na
si Tatiana. Andoy ay batang may
kapansanan. Nais ng testator na
iwan kay Andoy kung magkano ang kanyang maiiwan ayon sa batas.
Tanong:
Isaad ang tiyak na hindi
nahahating bahagi ng estate ang puwede niya ipamana kay Andoy, Bimbim at Cathy,
ganoon din sa mga nabanggit na kamag-anak.
Ang net estate ay P1,200,000.00 at ang mga
nabanggit na kamag-anak ay buhay pa noong namatay ang testator.
Sagot:
Sa ilalim ng batas sa
legitime, ang mga tagapagmana ay may karapatan sa mga
sumusunod na legitime:
1.
Si Andoy, Bimbim at Cathy – kalahati ng ari-arian na
kung saan sila ay dapat maghatian ng pantay na namamahagi. Dahil ang halaga ng ari-arian
ay P1,200,000.00 bawat isa sa kanila,
samakatuwid, ay may karapatan sa P200,000,00
2.
Si Warlita - katulad ng bawat isa ng mga lehitimong anak, o P200, 000.00
3.
Si Facundo - wala.
Si Facundo ay hindi maaaring sumali pagmamana dahil siya ay excluded
ng lehitimong anak ng testator.
4.
Nani –
kalahati ng legitime ng bawat isa sa mga lehitimong anak,
o P100, 000,00.
5.
Tatiana - kalahati ng legitime ng bawat isa sa mga
lehitimong anak, o P100, 000,00
sa Family Code iisa na ang klase ng illegitimage child. Hindi tulad ng Civil Code na iba ang mana ng
recognized natural child sa adulterous child.
Kaya, ang libreng bahagi
ay P200,000.00.
Kung gugustuhin ng testator, maaari niya iwanan ang libreng bahagi sa kanyang anak na lalaking si Andoy.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento