Lunes, Pebrero 27, 2012

Am I my sibling's keeper?


#6 CAROL CHAN | June 18, 2010
We have a property that was left by my father a long time ago. We are 10 in the family. 9 of us were in the states and 1 was left behind because she had her own family. She had us do a POA with waivers because she said we will loose all our properties if she does not have our POAs. Our families have always been close and because we trusted her, most of us did and it is now annotated on the title of the property. She will not show us the title of the property. So we (the ones who made POA's did a revocation but we cannot annotate it in the title but we filed it in the local registry of deeds. She is now in the states, now a US citizen and we all wanted to build on what our dad left us in memory of our dad, she fought us and still fighting us. we want to annotate our revocation in the title, and my question is where can we get an original title of our property so we can annotate the revocations.

Sagot:
Ayon sa iyong salaysay, binigyan ninyo ang inyong kapatid na naiwan sa Pilipinas ng Power of Attorney na may waiver dahil mawawalan daw kayo kung hindi kayo magbigay nito.

Kung ang Power of Attorney na ibinigay ninyo ay para ma-settle ang estate ng inyong ama, binigyan ninyo ng kapangyarihan ang inyong kapatid na ipirma ang inyong mga pangalan sa Extrajudicial Settlement of Estate ng inyong yumaong ama. 

Kung ang waiver na ibinigay ninyo ay pabor sa inyong kapatid na naiwan sa Pilipinas, kayong lahat na nagbigay ng Power of Attorney at waiver ay nagbigay ng karapatan sa kapatid ninyong naiwan sa Pilipinas para maging may-ari sa parte ninyo sa mana mula sa inyong ama.

Kahit na na-annotate sa titulo ang inyong Power of Attorney at waiver sa titulo ng inyong yumaong ama,  ang kanyang titulo ay maka-cancel at magbibigay ang Register of Deeds ng bagong titulo sa pangalan ng inyong kapatid na naiwan sa Pilipinas bilang resulta ng Power of Attorney at waiver.   Kaya siguro ayaw ipakita ng kapatid ninyo ang bagong titulo sa inyo kasi nakapangalan na sa kanya.

Maaari ninyong tignan ang titulo ng inyong yumaong ama at ang bagong titulo sa pangalan ng inyong kapatid sa Register of Deeds kung nasaan ang naiwang lupain.  Dahil ang pagkuha ng Power of Attorney at waiver ay isang panlilinglang, maari ninyong ipawalang bisa ang nasabing Power of Attorney at waiver sa isang kaso sa korte.  Pagkatapos ng kaso, makukuha ninyo ang inyong marapat na parte sa kayamanan ng inyong yumaong ama at saka pa lamang makapagpatayo ng inyong ninanais sa inyong minanang lupa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento