Sabado, Pebrero 18, 2012

Inheritance of an illegitimate child


#2 ARON ALVAREZ | April 02, 2010
My father and his 4 siblings inherited land fro their parents. My father and 3 of his other siblings has passed away. There is only one remaining. The land was sold, the money was divided equally between the only surviving sibling and the 4 families of the deceased siblings. 

My father has 3 legitimate, a living spouse and children and 6 illegitimate children. I am one of the illegitimate children. My siblings and I were raised openly accepted by my father to the public. My father married my mother but since there is no divorce in the Philippines, and since he was afraid if he annulled his marriage to his first wife, it would turn his other children illegitimate, which ends my siblings and I as illegitimate. 

There is no will written by my father, the will left by my father in regards to the property sold. Since that is the case, The money was divided between The living spouse, the 3 legitimate children and the 6 illegitimate children. 

If example the amount of money was P5,000,000.00 Pesos, And it was divided by 5 giving the 3 legitimate children a million each and the wife a million. leaving me and my siblings a million to divide amongst us 6 illegitimate children. Is the math correct? Can somebody please tell me if the division of the monies is correct? I need advice. Please help

Sagot:
Ang naging hatian ng Tatay mo at ang kanyang apat na kapatid ay ayon sa batas.  Kahit na namatay na ang kanyang mga kapatid, minarapat ng nag-iisang buhay na kapatid na bigyan ng karapatang magmana ang kanyang apat na yumaong kapatid sa pamamagitan ng kanyang mga pamangkin.

Ating lang itutuwid ang iyong salaysay na natatakot ang Tatay mong magfile ng annulment sa kanyang unang asawa dahil maging illegitimate ang kanyang mga anak sa una niyang asawa.  Ayon sa batas, hindi apektado ng annulment ng kasal ng Tatay mo at ang una niyang asawa ang katayuang legitimate children ang kanilang mga anak.  Kayong anim na magkakapatid ay talagang illegitimate dahil kayo ay ipinanganak ng inyong ina bilang pangalawang asawa ng iyong Tatay.

Nabanggit mo rin na pinakasalan ng Tatay mo ang iyong ina kahit na siya ay kasal sa una niyang asawa.  Ang resulta nito ay kasalanan sa batas na kung tawagin ay bigamya.

Kung ang naiwang kayamanan ng Tatay mo ay ang halagang P5,000,000.00 lamang, ang tamang partehan ay ayon sa ratio na 2:2:2:2:1:1:1:1:1:1 o P714,285.71 ang mana ng bawat isang legitimate child, ang surviving spouse ay P714,285.71 din dahil ang mana niya ay pareho sa mamanahin ng isang legitimate child.  Ang mamanahin ng bawat illegitimate child ay P357,142.86.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento