Si
Jude ay nagmamay-ari ng isang gusali at ipinarenta niya to sa maraming
tao. Ibinenta ni Jude and gusali kay
Ildefonso na hindi inabisuhan ang mga nagrerenta. Pagkatapos, inabisohan ni Ildefonso ang mga
nagrerenta na siya na ang bagong may-ari ng gusali. Ipinag-utos ni Ildefonso na lisanin ng mga
nagrerenta ang gusali sa loob ng tatlumpong araw dahil may ibang plano siya sa
gusali. Ayaw umalis ng mga nagrerenta at
ipinagpipilitang aalis lang sila kung tapos na ang takdang panahon ng kanilang
pagrerenta.
Tanong:
Dapat
bang kilalanin ni Ildefonso ang kontratang pinirmahan ni Jude at ang mga
nagrerenta?
Opo,
dapat kilalanin ni Ildefonso ang kontratang pinirmahan ni Jude at ang mga
nagrerenta sa kanya. Ayon sa batas, ang
accessory ay laging sumusunod sa principal.
Sa kaso ni Jude, ang principal ay ang gusali at ang accessory ay ang
kontrata ng pagrerenta. Noong ibinenta
ni Jude ang gusali kay Ildefonso, ang ibinenta ni Jude ay hindi lang ang gusali
kundi pati na rin ang kontratang pagrerenta sa pagitan ni Jude at mga
nagrerenta. Dahil ditto dapat kilalanin
ni Ildefonso ang kontratang pagrerenta sa pagitan ni Jude at ang mga nagrerenta
hanggang matapos ang takdang panahon na matapos ang kontrata.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento