Si
Mister ay nambabae habang si Misis ay nasa Greece bilang caregiver. Natuklasan ni Misis ang lihim ni Mister sa
kanyang pagbabakasyon. Ginulpi pa siya
ng Kerida ni Mister ng sila ay kanyang komprontahin. Ang isyu ay nakarating sa Lupon ng
Katarungang Pambarangay kung saan para matapos ang gulo ay pumirma ng kasulatan
sa harap ng Punong Barangay, Pinuno ng Lupon at Barangay Secretary.
Napagkasunduan
na, si Misis ay hindi na magsasampa ng kasong Concubinage laban kay Mister at
ang kanyang Kerida kahit na meron na silang anak, ibabalik ng Kerida ang nagasto ni Misis sa
pagpapagamot sa mga sugat dahil sa pagkakagulpi, at wala na pakialaman sa buhay
si Mister at si Misis dahil dalawang buwan buntis pala si Misis sa may mayaman
at guwapong boyfriend sa Greece.
Tanong:
Sa
tatlong nakapagkasunduan, alin ang ayon sa batas?
Ayon
sa batas iyong kasunduang ibalik ng Kerida ang nagasto ni Misis sa pagpapagamot
sa mga sugat dahil sa pagkakagulpi.
Hindi
ayon sa batas ang kasunduang wala nang pakialaman si Mister at si Misis dahil
sa mata ng batas sila pa rin ay mag-asawa hanggat hindi sila legal na
naghihiwalay. Sa mata ng batas sila pa
rin ay mag-asawa at may karapatan bilang asawa sa kayamanang maipundar ng isat
isa habang nakikisama sa iba. At
nagkakasala pa rin sila sa batas ng tao at ng Diyos sa pagkakaroon ng Kerida at
mayaman at guwapong boyfriend.
Hindi
rin ayon sa batas ang kasunduang hindi magsasampa ng kasong Concubinage si
Misis laban kay Mister kahit meron na silang anak ng kanyang Kerida sa kadahilanang
puwedeng magbago ang isip ni Misis at isampa pa rin ang kasong concubinage sa
korte hindi siya mapipigilan ni Mister gamit ang kasunduang pinirmahan sa harap
ng Punong Barangay. Ang kasunduan na
pinirmahan sa barangay sa usaping hindi pagsampa ng kasong concubinage ay hindi
sakop ng Katarungang Pambarangay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento