Si Adrian ay isang binatang marino. Dahil sa isang sakuna ay namatay habang naglalayag. Nag-iwan siya ng tatlong parcela ng lupaing titulado sa kanyang pangalan at dalawang dollar account at tatlong savings account sa magkakaibang banko. Dahil sa lungkot sa kanyang pagkamatay, namatay din ang kanyang matagal ng biyudang ina. Mayroon siyang dalawang dalagang kapatid at isang binatang kapatid?
Mga tanong:
Sino ang tagapagmana ni Adrian?
Kanino magmamana ang tatlong kapatid ni Adrian?
Puwede bang ibenta ng binatang kapatid ang isang parcela ng tituladong lupa para mabayaran ang mga estate taxes ni Adrian at kanilang ina?
Mga sagot:
Ang tagapagmana ni Adrian ay ang kanyang biyudang ina lamang. Ayon sa batas, kapag ang namatay ay binata at walang anak, ang kanyang tanging tagapagmana ay ang kanyang mga magulang. Kung naunang namatay ang kanyang mga magulang at saka lamang magmamana ang kanyang mga kapatid at mga pamangkin. Sa kaso ni Adrian, hindi magmamana sa kanya ang kanyang mga kapatid dahil noong siya ay namatay ay buhay pa ang kanyang ina.
Ang tatlong kapatid ni Adrian ay magmamana sa kanilang ina. Ayon sa batas, kapag ang namatay ay may mga anak, walang ibang magmamana kundi ang kanyang mga anak. Sa kaso ng biyudang ina ni Adrian, lahat ng kayamanang minana niya sa kanyang anak na si Adrian ay mamanahin sa kanya ng tatlong kapatid ni Adrian.
Hindi puwedeng ibenta ang binatang kapatid ni Adrian ang isang parcela lupang nakatitulo sa kanya. Ayon sa batas, hindi mo puwedeng ibenta ang hindi sa iyo. Habang ang lupa ay nakatitulo kay Adrian, walang puwedeng magbenta o magsanla nito. Para mapakinabangan ng mga kapatid ni Adrian ang mga minana nilang lupain at mga deposito ni Adrian sa banko sila dapat ay gumawa ng isang extrajudicial settlement of estate ni Adrian para mailipat sa kanilang pangalan ang mga lupaing naiwan ni Adrian.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento