Noong
1997, sina Luis at Maria ay nag-umpisang mag-live-in. Ang kanilang pag-iibigan ay nagbunga at ito
ay si Patricia. Sina Luis at Maria ay
nakabili ng lupa sa Paranaque.
Pagkalipas ng apat na taon o noong taong 2001, natapos ni Maria ang
kanyang apat na taong kurso sa kolehiyo na hindi nagtrabaho. Pagkatapos, siya at si Luis ay nagpakasal na
hindi kumuha ng marriage license sa munisipyo.
Pagkalipas
ng dalawang taon, ang kasal nila Luis at Maria ay nadeklarang walang saysay
dahil sa walang marriage license noong sila ay nagpakasal.
Mga
tanong:
Dahil
sa pagkadeklarang walang saysay ang kasal nila Luis at Maria at bubuwagin ang
kanilang ugnayang kayamanan, kanino dapat mapunta ang lupang binili nila?
Si
Patricia ba ay illegitimate na anak?
Mga
sagot:
Ang
lupa ay paghahatian nila Luis at Maria. Sa salaysay ng kuwento, nabili ni Luis
at Maria ang lupa habang sila ay mag-live-in. Ngunit noong sila ay ikinasal
bagamat nadeklarang walang saysay ang nasabing lupa ay naging absolute community of property ni Luis
at Maria. Kaya sa pagkabuwag ng kanilang
ugnayang kayamanan ang nasabing lupa ay kanilang paghahatian.
Si
Patricia ay legitimated. Ayon sa batas,
ang isang sanggol ay ipinanganak mula sa parehang magka-live-in na malayang
magpakasal ay illegitimate habang ang kanyang mga magulang ay hindi pa
nagpapakasal. Ang kanyang estado ay
maging legitimated kapag nagpakasal ang kanyang mga magulang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento