Martes, Disyembre 13, 2011

Foreign Divorce

Sabi ni Misis, “Umalis papuntang America ang mister ko, penetisyon ng kanyang ama.  Naglaon ay naging American citizen na siya.  May isang taon nang wala akong balita sa kanya at ang masaklap hindi na rin siya nagpapadala ng sustento sa akin at sa aming mga anak. Nabalitaan ko na kaya pala tumigil ang sustento dahil ni-divorce na niya pala ako at nag-asawa na siya ng Americana at may anak na silang mestiso.

Tanong niya, dahil ni-divorce na ako ng mister ko at may asawa na siyang iba, puwede na rin ba ako mag-asawa?

Ayon sa batas at sa desisyon ng Supreme Court, maari na ring mag-asawa si Misis.  Pero bago ang kasalan, kailangan pa niyang mag-file ng kasong Recognition of Foreign Judgment sa korte.  Ayon sa ating Family Code, ang Filipina na ni-divorce ng kanyang dayuhang asawa sa kanyang sariling bansa upang mabigyan ng karapatang mag-asawa muli ay binibigyan din ng Family Code ng karapatang mag-asawang muli dito sa ating bansa.  Ayon sa desisyon ng Supreme Court, sakop na rin ang sitwasyong parehong Filipino si Mister at si Misis noong ikinasal ngunit pumuntang ibang bansa si Mister at naging citizen doon kung saan umiiral ang divorce at ni-divorce niya ang naiwang asawa sa Pilipinas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento