Si Lolo Jose ay namatay may 30 taong lumipas. Nag-iwan siya ng 24 hektaria ng tituladong lupaing hanggang sa ngayon ay nakapangalan pa sa kanya. Mayroon siyang tatlong anak na sila Juan, Pedro at Maria. Si Juan ay may asawa at 5 anak pero siya ay namatay isang taon bago namatay si Lolo Juan. May limang taon na ring namatay ang asawa ni Juan. Si Pedro at asawang Susana ay walang anak kaya niya inampon si Daniel. Si Maria at asawang Mario ay may tatlong anak. Namayapa na rin sila Pedro and Susana, Maria at si Mario.
Mga tanong:
Magmamana ba si Daniel sa iniwang kayamanan ni Lolo Jose? Bakit?
Bilang mga apo ni Lolo Jose, paano ang hatian sa mana ang mga anak nila Juan, Pedro at Maria?
Ano sana ang ginawa ni Daniel para siya magmana sa kayamanan ni Lolo Jose?
Mga sagot:
Hindi magmamana si Daniel sa kayamanang iniwan ni Lolo Jose. Ayon sa batas, ang may relasyong legal ay ang umampon at inampon lamang. Ibig sabihin, si Daniel ay magmamana lang sa mga kayamanan ni Pedro na umampon sa kanya. Ayon pa rin sa batas, kung yumaman ng todo si Daniel at nauna siyang mamatay kasya kay Pedro, ang tagapagmana ni Daniel ay ang kanyang natural na mga magulang. Wala siyang bahagi sa kayamanan ni Lolo Jose sa kadahilanang hindi siya tunay na apo ni Lolo Jose.
Ang mga apo ni Lolo Jose kay Juan at Maria ay maghahati sa kanyang kayamanan. Ayon sa batas, irepresenta ng mga apo ang mana ng kanilang mga yumaong magulang. Sa kaso ni Lolo Jose, ang mana ni Juan at Maria ay i-representa ng kanilang mga anak. Kalahati ang mapupunta sa limang anak ni Juan at kalahati naman ang mapupunta sa tatlong anak ni Maria.
Ang ginawa sana ni Daniel para magmana sa kayamanan ni Lolo Jose ay ipina-settle ang estate ni Lolo Jose habang buhay pa ang kanyang amang si Pedro. Dahil pagkatapos matanggap ni Pedro ang kanyang mana kay Lolo Jose puwede na itong ipamana kay Daniel.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento