Ang
mag-asawang John Lloyd and Angel ay nagkaroon ng tatlong anak. Di naglaon, nakakuha ng desisyon sa korte si
Angel na pinawawalang bisa ang kanyang kasal kay John Lloyd na ang tawag ay declaration of nullity of marriage. Dahil dito ang kanilang kasunduan sa
pagmamamay-ari ng kayamanan na ang tawag ay absolute
community of property ay nabuwag din.
Binigyan nila ang kanilang tatlong anak ng kanilang mana.
Si
John Lloyd ay nag-asawang muli at nagkakaroon ng dalawang anak sa kanyang
pangalang asawang si Shaina. Sina John
Lloyd at Shaina ay yumaman dahil sa kanilang business at nakabili ng maraming
ari-arian. Dumaan ang panahon, namatay
si John Lloyd na di nakagawa ng Last Will and Testament.
Mga
tanong:
Sino
ang mga tagapagmana ni John Lloyd at paano hahatiin ang naiwang niyang
kayamanan?
Ano
ang naging epekto ng pagtanggap ng tatlong anak ni John Lloyd sa kasal niya kay
Angel ng kanilang mana? May mamanahin pa ba sila kay John Lloyd sa pagkamatay
niya?
Mga
sagot:
Ang
mga tagapagmana ni John Lloyd ay sina Shaina at ang kanilang dalawang anak.
Ayon
sa batas kung ang kasal ay naideklarang walang saysay at ang ugnayang
pagmamamay-ari ay nabuwag at ang mana ng mga anak ay naibigay na, ang mga
tagapagmana ay wala nang tatanggapin mula sa yumao. Sa kaso ni John Lloyd, wala nang mamanahin
ang tatlong anak niya kay Angel at ang naiwan niyang kayamanan ay paghahatian
nila Shaina at dalawa nilang anak na ang bawat isa ay tatanggap ng ikatlong
bahagi.
Ang
epekto ng pagtanggap ng tatlong anak ni John Lloyd kay Angel sa kanilang mana
sa pagkabuwag ng kasal ng kanilang magulang ay wala na silang tatanggaping mana
sa kanilang mga magulang sa oras ng kanilang kamatayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento