Lunes, Disyembre 26, 2011

Affidavit of Self-Adjudication


Namatay ang biyudong ama ni Titus na nag-iwan ng tatlong parsela ng lupa.  Siya na lang ang nabubuhay sa kanilang limang magkakapatid.  Ang kanyang mga kapatid ay may mga naiwang mga anak.

Sa pamamagitan ng Affidavit of Self-Adjudication ay nailipat ni Titus sa kanyang pangalan ang tatlong parsela ng lupa.

Mga tanong:
Ayon ba sa batas ang paraan ng paglilipat ng titulo ng tatlong parsela ng lupa sa pangalan ni Titus?
May habol pa ba ang mga pamangkin ni Titus sa tatlong parsela ng  lupa?

Sagot:
Hindi.  Ayon sa batas, ginagamit lamang ang Affidavit of Self-Adjudication kung nag-iisang anak o taga pagmana.  Sa kaso ni Titus dahil sila ay limang magkakapatid, ang documentong pinirmahan niya at ang kanyang mga pamangkin ay Extrajudicial Settlement of Estate.  Ang mga pamangkin niya ang kanyang kasama sa pagpirma sa Extrajudicial Settlement of Estate dahil sila ang representante ng kanilang mga yumaong mga magulang sa minana ng mga ito mula sa kanilang magulang.

Meron pa.  Ayon sa batas, kung mailipat ang kayamanan ng yumao sa isang anak ang mga mamanahin ng kanyang mga kapatid, siya ay implied trustee ng kanyang mga pamangkin.  Ang pamangkin ay may karapatang humingi ng partition ng naiwang kayamanan.  Ang karapatan na ito ay dapat bantayan ng mga pamangkin at huwag hayaang ibenta ang mga lupain dahil ito sa repudiation ng implied trust.  Sa kaso ni Titus at kanyang mga pamangkin, siya ay implied trustee ng kanyang mga pamangkin.  Bilang implied trustee nakapangalan sa kanya ang mga parsela ng lupa pero ang tunay na may-ari ay ang kanyang mga pamangkin.  Dahil ang mga pamangkin ang tunay na may-ari, sila ay may karapatang humingi ng parte ng kayamanang nararapat na manahin ng kanilang mga magulang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento