Pinakasalan
ni Harry si Wilma, isang mayamang babae.
Maglilimang taon pa lamang ang kanilang kasal ay umibig si Wilma kay
Joseph. Si Wilma ay pumunta sa isang
maliit na bansa sa Europe, siya ay nating citizen doon, idiniborsyo si Harry at
pinakasalan si Joseph. Pagkalipas ng
isang taon, sina Wilma at Joseph ay umuwi sa Pilipinas at naging permanenteng
residente dito.
Tanong:
Ang
diborsyo ba ni Wilma kay Harry ay kikilalanin sa Pilipinas?
Si
Harry ay umibig kay Elizabeth at gusto na niyang pakasalan ito dahil si Wilma
naman ay kasal na kay Joseph. Ayon sa
batas ba kapag papakasalan ni Harry si Elizabeth?
Mga
Sagot:
Opo.
Ang divorce in Wilma kay Harry sa isang maliit na bansa sa Europe ay maaaring
kilalanin sa Pilipinas ayon sa itinatadhana ng ating Family Code. Ayon sa batas, kapag ang Filipino ay
nag-asawa ng dayuhan at paglaon ay diniborsyo ng dayuhan sa kanyang sariling
bansa para mag-asawang muli, ang Filipino ay binibigyan din ng Family Code ng
parehong karapatang mag-asawa muli. Ayon
sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman, ang sitwasyong nagpakasal ang dalawang
Filipino sa Filipinas, nakapunta sa labas ng bansa ang asawa kung saan may divorce,
naging citizen siya roon at diniborsyo ang asawang naiwan sa Filipinas para
mag-asawa muli, ang naiwang asawa sa Filipinas ay binibigyan na rin ng
karapatan ng Family Code para mag-asawa muli.
Opo.
Ayon sa batas ang pagpapakasal ni Harry kay Elizabeth. Pero bago ang kasalan, kailangan munang
magfile sa korte ng Recognition of Foreign Judgment si Harry doon sa kasal nila
ni Wilma. Kailangan munang ideklara ng
hukuman sa Filipinas na kinikilala ng bansa ang divorce sa labas ng bansa sa
pagitan ng Filipinong naging dayuhan at ang kanyang asawang naiwan sa
Filipinas. At kapag may desisyon na ang
korte, may karapatan na ring mag-asawa muli ang asawang naiwan sa Filipinas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento