Sikat
na artistang Pinoy at kanyang Pinay leading lady pumunta nagshooting sa Las
Vegas, Nevada, USA ay nagka-in-love-an at nagpakasal doon.
Bago
matapos ang shooting, na-fall out of love na sila kaya nagdivorce din doon sa
Las Vegas. Nevada.
Tanong:
Pag-uwi
sa Pilipinas, puwede pa bang pakasalan ni Sikat na artistang Pinoy ang kanyang non-showbiz
girlfriend na naiwan sa Pilipinas?
Hindi
na maari. Habang ikaw ay Pilipino
susunod sa iyo ang pagka-Pilipino saan ka man magpunta. Dahil ikaw ay Pilipino ang batas ng Pilipinas
ay susunod sa iyo saan ka man magpunta.
Ayon
sa private international law, ang kasal ng Pilipino sa ibang bansa ay valid
kahit ginawa sa labas ng bansa at kahit ginawa ayon sa formality ng kasal sa
ibang bansa. Kaya lang ang divorce nila sikat na artistang Pinoy at Pinay
leading lady sa Las Vegas kahit valid doon ay hindi valid sa Pilipinas sa
kadahilanang walang batas ng divorce sa Pilipinas at sumunod sa kanila ang
batas ng Pilipinas saan man sila magpunta.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento