Martes, Disyembre 27, 2011

Special Power of Attorney


Binigyan ni Aling Brigida ang kanyang kapatid na Lydia ng Special Power of Attorney para sa kanyang mga ari-arian habang ang una ay nasa America.

Sa bisa ng SPA nakapagbenta ng lupa si Lydia at ipinadala ang pinagbentahan kay Aling Brigida.

Naglaon ay namatay si Aling Brigida, nagbenta pa rin si Lydia ng pangalawang lupa. At nailipat sa pangalan bumili ang papeles ng lupa.

Tanong:
May karapatan pa ba si Lydia na magbenta sa pangalawang lupa?

Sagot:
Wala na.  Ayon sa batas, ang Special Power of Attorney ay isang kontrata ng ahensiya na ang mga partido ay tinatawag na principal at ahente.  Tulad ng ibang kontrata, kapag namatay ang sinuman sa mga partido, ang kontrata ay mamamatay din.  Sa kaso ni Aling Brigida at Sally, sa pagkamatay ni Aling Brigida namatay na rin ang kontrata ng ahensiya at wala na ang kapangyarihan ni Sally sa mga ari-arian ni Aling Brigida.

Looking back to 2009: Outreach to Sitio Dalupang, Brgy Villacorta, Mabini, Pangasinan


Last March 27 and 28, 2009, the Rotary Club of Hundred Islands and Rotaract Club of PASS College joined the Municipal Social Welfare and Development Office of the Municipality of Mabini, Pangasinan for an outreach at the Sitios of Dalupang, Talahib, Tambobong, Capontian and Tubey, all at Barangay Villacorta, Mabini, Pangasinan.

The trip started early morning of March 27, 2009 at the municipal hall grounds of Mabini. The 4 x 4 vehicle from Dalupang arrived to fetch the whole delegation. Upon arrival, it was loaded with non-prescription medicines, slippers and mosquito nets for the outreach from Rotary in addition to the individual baggages.

With the heavy downpour the night before, the vehicle chose to take the Infanta route to get to Talahib. It took four (4) hours travel passing through the interior barangays of Infanta up to its boundary in Barangay Pita which borders with Sitio Tambobong of Barangay Villacorta. It took two (2) hours to reach the boundary of Infanta and Mabini.

Somewhere after passing the boundary into Villacorta, an old woman of certain igorot tribe offered the taste of tapey, rice wine, made of red variety of rice. She shared the story that she and her two (2) children came from the highlands but the younger perished in an accident while ferrying their rice produce to the rice mill in Barangay Pita.

It took another two (2) hours of climbing and going down mountain trails before the vehicle finally reached the school grounds of Elementary School of Talahib and Dalupang situated in the sitio Talahib of Barangay Villacorta, Mabini. The host families were already preparing for the lunch for the graduation of Day Care Center pupils.

Before the graduation ceremonies, the Rotary Club of Hundred Islands and Rotaract Club of PASS College distributed the non-prescription medicines to the forty four (44) families from sitios of Dalupang, Talahib, Tambobong, Capontian and Tubey. As their were only thirty (30) pairs of slippers and six (6) pieces of mosquito nets, the distribution was by drawing of lots. Hundred Islands Rotary President Henry Onia was given the opportunity to introduce the Rotary Club and the projects it undertakes. As the radio signal of DzWM 864 kHz reaches the place, he invited the people to listen to his legal affairs program every 1:00 to 1:30 in the afternoon, from Monday to Saturday. Thereafter, the lunch of adobong manok was served.

The graduation ceremonies of the Day Care Center pupils followed with Rotarian Franklin Delano Braganza, in his capacity as Municipal Councilor served as the Guest of Honor and Speaker. The theme for the graduation ceremonies is “My education: My contribution to the Future.” The Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) represented the Department of Education in accepting the graduates. They will be enrolling as Grade I pupils by the coming school year in June.
After the graduation ceremonies, pictures for the Senior Citizen identification cards were taken. This outreach is an opportune time to update the records of the municipality on the senior citizens and other concerns of the MSWD. Pictures were also taken on their respective tribal councils.

In preparation for the graduation of elementary pupils the following day, the electric generator and the sound system has to be brought from Dalupang to Talahib. It was already dark when the generator set arrived. It was an opportunity to charge cellular phones which went low on batteries.

The dinner was roasted pork and lauya of the pigs four feet. Entertainment with tribal dances followed. The tribes of Ibaloy, Kankanaey and Kalinga have different tribal dances. Despite their difference in tribes, they have strong unity while sojourning in the highlands of Mabini. Rotarian Frank brought out his bottles of GSM blue which was coupled with the local tapey. The celebration stayed until the early part of the morning.

Day two – March 28, 2009. Graduation ceremonies of the Elementary School of Dalupang and Talahib. The group stayed until after lunch to witness the graduation ceremonies of six (6) pupils. Rotarian Frank Braganza served as the Guest of Honor and Speaker and the Mabini MSWD took the place of the Department of Education.

As a Commencement Speech, Rotarian Frank emphasized on the advantages of taking up further education beyond elementary. As a budding politician, he would propose to the Municipal Council the high school scholarship of these six (6) graduates.

To complete the morning rituals, the group took a refreshing dip at a nearby river. The breakfast of adobong pork and ginisang baguio beans was served.

A trek to the “Ules ti Serena” (The Mermaid’s Quilt) was launched by the Balincaguin Cave Conservation team which took one hour and thirty minutes of hiking to reach. The trek revealed the hidden beauty of the river in every bend. The municipality could also promote a mountain biking challenge and nature camping to the place.

After the graduation ceremonies, lunch of adobong manok, adobong baboy and dinardaraang pinaputok was served. The driver took a nap until 2:00 in the afternoon to prepare for the long haul back to Mabini.

The trip home took the Labrador exit. It took another four (4) hours to reach Mabini municipal grounds. The Labrador route is characterized by a steady climb up to 800 feet above sea level at the communication tower in an interior barangay of Labrador which will takes about two (2) hours aboard the 4 x 4 vehicle. This is followed by a long descent to Barangay Kadampat in Labrador.

As there are no other vehicles going in and out of Dalupang, the Rotaract Club of PASS College headed by incoming President Miguel Ison could not meet the requirement of their school to report right after lunch. Hundred Islands Rotary President Henry R. Onia nearly missed the grand ball of the Seselangen Barangay Fiesta.

Lunes, Disyembre 26, 2011

Matching Grant 74319 : Rotary and Red Cross partners in taking care of humanity


Alaminos City, Pangasinan, Philippines (December 19, 2011) – The Rotary Club of Hundred Islands is a recipient of a US$5,200 Matching Grant from The Rotary Foundation of Rotary International in support of the blood bank project of the Philippine Red Cross – Alaminos City Western Pangasinan Chapter.
The Hundred Islands club raised P18,000, Philippine Currency (roughly US$400) as counterpart for the purchase a brand new blood refrigerator.  Rotary International District 3790 District Governor Manuel “Manny” Yu contributed the District Designated Fund in the amount of US$2,000.  The Philippine club coordinated the project internationally in partnership with the Rotary Club of Cascavel Uniao, Brazil and the Rotary International District 4640 Past District Governor Dalva Rigoni contributed the District Designated Fund in the amount of US$3,000.  Partnering with Rotary Clubs abroad was a key factor in the Hundred Islands club being awarded the grant.
To provide a continuous supply of blood to dengue patients in the whole of Western Pangasinan, the Alaminos City Western Pangasinan Chapter of the Red Cross needs a brand new blood bank refrigerator.  The existing blood bank refrigerator is small and is in danger of going out of commission.  The chapter is presently using a blood refrigerator borrowed from the Province of Pangasinan.
“Rotary has been an exemplary partner of the Philippine Red Cross.  We are honored by the association with Rotary here in Western Pangasinan and the whole country,“ said Arthur F. Celeste, Chairman, Philippine Red Cross – Alaminos City Western Pangasinan Chapter.
The US$5,200 grant is the first ever contribution received by any club in the Province of Pangasinan, one of the eleven provinces covered by Rotary International District 3790 composed of 94 clubs.

Rotary International is a volunteer organization of business, professional, and community leaders who provide humanitarian service and help to build goodwill and peace in the world.  There are approximately 1.2 million Rotary club members belonging to 33,000 Rotary clubs in more than 200 countries and geographical areas.  Learn more at www.rotary.org.

Affidavit of Self-Adjudication


Namatay ang biyudong ama ni Titus na nag-iwan ng tatlong parsela ng lupa.  Siya na lang ang nabubuhay sa kanilang limang magkakapatid.  Ang kanyang mga kapatid ay may mga naiwang mga anak.

Sa pamamagitan ng Affidavit of Self-Adjudication ay nailipat ni Titus sa kanyang pangalan ang tatlong parsela ng lupa.

Mga tanong:
Ayon ba sa batas ang paraan ng paglilipat ng titulo ng tatlong parsela ng lupa sa pangalan ni Titus?
May habol pa ba ang mga pamangkin ni Titus sa tatlong parsela ng  lupa?

Sagot:
Hindi.  Ayon sa batas, ginagamit lamang ang Affidavit of Self-Adjudication kung nag-iisang anak o taga pagmana.  Sa kaso ni Titus dahil sila ay limang magkakapatid, ang documentong pinirmahan niya at ang kanyang mga pamangkin ay Extrajudicial Settlement of Estate.  Ang mga pamangkin niya ang kanyang kasama sa pagpirma sa Extrajudicial Settlement of Estate dahil sila ang representante ng kanilang mga yumaong mga magulang sa minana ng mga ito mula sa kanilang magulang.

Meron pa.  Ayon sa batas, kung mailipat ang kayamanan ng yumao sa isang anak ang mga mamanahin ng kanyang mga kapatid, siya ay implied trustee ng kanyang mga pamangkin.  Ang pamangkin ay may karapatang humingi ng partition ng naiwang kayamanan.  Ang karapatan na ito ay dapat bantayan ng mga pamangkin at huwag hayaang ibenta ang mga lupain dahil ito sa repudiation ng implied trust.  Sa kaso ni Titus at kanyang mga pamangkin, siya ay implied trustee ng kanyang mga pamangkin.  Bilang implied trustee nakapangalan sa kanya ang mga parsela ng lupa pero ang tunay na may-ari ay ang kanyang mga pamangkin.  Dahil ang mga pamangkin ang tunay na may-ari, sila ay may karapatang humingi ng parte ng kayamanang nararapat na manahin ng kanilang mga magulang.

Legitime


Ang mag-asawang John Lloyd and Angel ay nagkaroon ng tatlong anak.  Di naglaon, nakakuha ng desisyon sa korte si Angel na pinawawalang bisa ang kanyang kasal kay John Lloyd na ang tawag ay declaration of nullity of marriage.  Dahil dito ang kanilang kasunduan sa pagmamamay-ari ng kayamanan na ang tawag ay absolute community of property ay nabuwag din.  Binigyan nila ang kanilang tatlong anak ng kanilang mana.

Si John Lloyd ay nag-asawang muli at nagkakaroon ng dalawang anak sa kanyang pangalang asawang si Shaina.  Sina John Lloyd at Shaina ay yumaman dahil sa kanilang business at nakabili ng maraming ari-arian.  Dumaan ang panahon, namatay si John Lloyd na di nakagawa ng Last Will and Testament.

Mga tanong:
Sino ang mga tagapagmana ni John Lloyd at paano hahatiin ang naiwang niyang kayamanan?
Ano ang naging epekto ng pagtanggap ng tatlong anak ni John Lloyd sa kasal niya kay Angel ng kanilang mana? May mamanahin pa ba sila kay John Lloyd sa pagkamatay niya?

Mga sagot:
Ang mga tagapagmana ni John Lloyd ay sina Shaina at ang kanilang dalawang anak.
Ayon sa batas kung ang kasal ay naideklarang walang saysay at ang ugnayang pagmamamay-ari ay nabuwag at ang mana ng mga anak ay naibigay na, ang mga tagapagmana ay wala nang tatanggapin mula sa yumao.  Sa kaso ni John Lloyd, wala nang mamanahin ang tatlong anak niya kay Angel at ang naiwan niyang kayamanan ay paghahatian nila Shaina at dalawa nilang anak na ang bawat isa ay tatanggap ng ikatlong bahagi.

Ang epekto ng pagtanggap ng tatlong anak ni John Lloyd kay Angel sa kanilang mana sa pagkabuwag ng kasal ng kanilang magulang ay wala na silang tatanggaping mana sa kanilang mga magulang sa oras ng kanilang kamatayan.

Biyernes, Disyembre 23, 2011

SSS : Discrepancy in name

Leilani Gorospe said:


Hi Henry,i went back to PI last June to process our benefits (me and my 11 yr old daughter) from my husband who was an SSS member. i received the burial benefit and was promised in writing by sss that we'll received retro active pension 2008-2011 in lumpsump, my question is i called sss and informed me that there was a discrepancy in my name that i used in my application in SSS and my name in my account that i opened in PNB Dagupan,so what am i gonna do do to correct this? can you help me for this?i i'll greatly appreciate your help...


Check the documents referred to which has the difference.  It might be easier to correct the data supplied with PNB Dagupan. You can authorize someone to go to PNB Dagupan to have the necessary corrections in your name to tie up with your name in your SSS application.

Legitimated


Noong 1997, sina Luis at Maria ay nag-umpisang mag-live-in.  Ang kanilang pag-iibigan ay nagbunga at ito ay si Patricia.  Sina Luis at Maria ay nakabili ng lupa sa Paranaque.  Pagkalipas ng apat na taon o noong taong 2001, natapos ni Maria ang kanyang apat na taong kurso sa kolehiyo na hindi nagtrabaho.  Pagkatapos, siya at si Luis ay nagpakasal na hindi kumuha ng marriage license sa munisipyo.

Pagkalipas ng dalawang taon, ang kasal nila Luis at Maria ay nadeklarang walang saysay dahil sa walang marriage license noong sila ay nagpakasal.

Mga tanong:
Dahil sa pagkadeklarang walang saysay ang kasal nila Luis at Maria at bubuwagin ang kanilang ugnayang kayamanan, kanino dapat mapunta ang lupang binili nila?
Si Patricia ba ay illegitimate na anak?

Mga sagot:
Ang lupa ay paghahatian nila Luis at Maria. Sa salaysay ng kuwento, nabili ni Luis at Maria ang lupa habang sila ay mag-live-in. Ngunit noong sila ay ikinasal bagamat nadeklarang walang saysay ang nasabing lupa ay naging absolute community of property ni Luis at Maria.  Kaya sa pagkabuwag ng kanilang ugnayang kayamanan ang nasabing lupa ay kanilang paghahatian.

Si Patricia ay legitimated.  Ayon sa batas, ang isang sanggol ay ipinanganak mula sa parehang magka-live-in na malayang magpakasal ay illegitimate habang ang kanyang mga magulang ay hindi pa nagpapakasal.  Ang kanyang estado ay maging legitimated kapag nagpakasal ang kanyang mga magulang.  

Miyerkules, Disyembre 21, 2011

Right of way


Si Francis ay may-ari ng Lot E na napapalibutan ng apat na lote at isa sa kanila ay Lot C na kanya rin.  Nangako siya kay Alma na kung bibilhin niya ang Lot E bibigyan niya ng right of way sa Lot C.

Binili nga ni Alma ang Lot E at pagtupad sa usapan binigyan siya ng Francis ng right of way sa Lot C.

Pinagyaman ni Alma ang Lot E at ginamit ang right of way na ibinigay ni Francis.

Naging OFW si Alma. Sa kanyang pagbalik pagkatapos ng sampung taon wala na ang right of way dahil habang siya ay wala ibinenta ni Francis and Lot C kay Leslie at ito ay kanyang binakod.

Mga tanong:
May karapatan ba si Alma na buhayin ang right of way na ibinigay ni Francis sa kanya?
Kanino dapat humingi si Alma ng right of way?

Mga sagot:
Wala.  Ayon sa batas, ang right of way ay nawawalang bisa kapag hindi ginamit sa mahabang panahon.  Sa kaso ni Alma, nawala ang bisa ng bisa ng right of way na ibinigay ni Francis sa kanya noong siya ay naging OFW ng sampung taon.

Walang nakukulong sa utang

Si Rosie ay umutang ng P50,000.00 kay Jovita at may pangakong babayaran ito sa loob ng dalawang buwan. Dahil sila ay matalik na magkaibigan hindi na nagpirmahan ng anumang dokumento.

Pagkalipas ng dalawang buwan, naniningil na si Jovita kay Rosie pero humingi ng isang buwang palugit ang huli at pinagbigyan naman ng kaibigan.

Lumipas ang palugit na isang buwan, naningil ulit si Jovita pero hindi na siya pinapansin ni Rosie, hindi na siya nagti-textback, pinapatay na niya ang kanyang celfon kapag tinawagan.  Ang huling textback ay ayaw daw niyang bumayad kasi wala naman daw nakukulong sa utang.

Tanong:
Anong gagawin mo kapag nakatagpo ka ng kaibigan na tulad ni Rosie? Wala na bang remedyo sa batas para ikaw ay makakolekta ng pautang?

Sagot:
May mga taong kaibigan mo habang ikaw ay nauutangan.  Kung wala ka ng pera at maniningil ka na, maging kaaway mo na siya. Kung gusto mo na maraming kaaway, magpautang ka.

Ang remedyo ay huwag mo muna siyang awayin at papirmahin ng simpleng promissory note na patunay ng kanyang pagkakautang.  Siyempre sa promissory note bigyan mo siya ulit ng kalahating buwan para magbayad.

Kapag hindi siya nakabayad sa takdang panahon na nakasaad sa promissory note, magsampa ka kaso sa barangay ng paniningil ng pautang. Sa Katarungang Pambarangay, susubukang magkasundo kayo at kung ayaw pa rin niyang bumayad, kumuha ka ng Certification to File Action mula sa Punong Barangay.

Meron ng tinatawag ng Small Claims Court kung saan  maghaharap sa hukuman ang umutang at nagpautang na walang kailangang abogado.  May mga papeles lang na pipirmahan at nakasampa na ang kaso.  Ang huwes mismo ang hahawak sa kaso.  Maglalabas ang huwes ng desisyon sa kaso at ang sheriff ng korte ang maghahanap ng kasangkapan ng umutang na pwedeng hatakin pambayad sa utang.

Martes, Disyembre 20, 2011

Kasal sa Pilipinas, Ni-divorce sa Europe


Pinakasalan ni Harry si Wilma, isang mayamang babae.  Maglilimang taon pa lamang ang kanilang kasal ay umibig si Wilma kay Joseph.  Si Wilma ay pumunta sa isang maliit na bansa sa Europe, siya ay nating citizen doon, idiniborsyo si Harry at pinakasalan si Joseph.  Pagkalipas ng isang taon, sina Wilma at Joseph ay umuwi sa Pilipinas at naging permanenteng residente dito.

Tanong:
Ang diborsyo ba ni Wilma kay Harry ay kikilalanin sa Pilipinas?
Si Harry ay umibig kay Elizabeth at gusto na niyang pakasalan ito dahil si Wilma naman ay kasal na kay Joseph.  Ayon sa batas ba kapag papakasalan ni Harry si Elizabeth?

Mga Sagot:
Opo. Ang divorce in Wilma kay Harry sa isang maliit na bansa sa Europe ay maaaring kilalanin sa Pilipinas ayon sa itinatadhana ng ating Family Code.  Ayon sa batas, kapag ang Filipino ay nag-asawa ng dayuhan at paglaon ay diniborsyo ng dayuhan sa kanyang sariling bansa para mag-asawang muli, ang Filipino ay binibigyan din ng Family Code ng parehong karapatang mag-asawa muli.  Ayon sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman, ang sitwasyong nagpakasal ang dalawang Filipino sa Filipinas, nakapunta sa labas ng bansa ang asawa kung saan may divorce, naging citizen siya roon at diniborsyo ang asawang naiwan sa Filipinas para mag-asawa muli, ang naiwang asawa sa Filipinas ay binibigyan na rin ng karapatan ng Family Code para mag-asawa muli.

Opo. Ayon sa batas ang pagpapakasal ni Harry kay Elizabeth.  Pero bago ang kasalan, kailangan munang magfile sa korte ng Recognition of Foreign Judgment si Harry doon sa kasal nila ni Wilma.  Kailangan munang ideklara ng hukuman sa Filipinas na kinikilala ng bansa ang divorce sa labas ng bansa sa pagitan ng Filipinong naging dayuhan at ang kanyang asawang naiwan sa Filipinas.  At kapag may desisyon na ang korte, may karapatan na ring mag-asawa muli ang asawang naiwan sa Filipinas.

Linggo, Disyembre 18, 2011

Rent


Si Jude ay nagmamay-ari ng isang gusali at ipinarenta niya to sa maraming tao.  Ibinenta ni Jude and gusali kay Ildefonso na hindi inabisuhan ang mga nagrerenta.  Pagkatapos, inabisohan ni Ildefonso ang mga nagrerenta na siya na ang bagong may-ari ng gusali.  Ipinag-utos ni Ildefonso na lisanin ng mga nagrerenta ang gusali sa loob ng tatlumpong araw dahil may ibang plano siya sa gusali.  Ayaw umalis ng mga nagrerenta at ipinagpipilitang aalis lang sila kung tapos na ang takdang panahon ng kanilang pagrerenta.

Tanong:
Dapat bang kilalanin ni Ildefonso ang kontratang pinirmahan ni Jude at ang mga nagrerenta?

Opo, dapat kilalanin ni Ildefonso ang kontratang pinirmahan ni Jude at ang mga nagrerenta sa kanya.  Ayon sa batas, ang accessory ay laging sumusunod sa principal.  Sa kaso ni Jude, ang principal ay ang gusali at ang accessory ay ang kontrata ng pagrerenta.  Noong ibinenta ni Jude ang gusali kay Ildefonso, ang ibinenta ni Jude ay hindi lang ang gusali kundi pati na rin ang kontratang pagrerenta sa pagitan ni Jude at mga nagrerenta.  Dahil ditto dapat kilalanin ni Ildefonso ang kontratang pagrerenta sa pagitan ni Jude at ang mga nagrerenta hanggang matapos ang takdang panahon na matapos ang kontrata.

Biyernes, Disyembre 16, 2011

pledge, pactum commissiorium at dacion en pago


Umutang si Rosario ng P100,000 kay Jennifer at iprenenda ang kanyang diamanteng singsing.  Ang kontrata na pinirmahan nila ay nagsasaad na kung hindi matubos ni Rosario ang singsing sa takdang araw, siya ay pipirma sa isang dokumento para kay Jennifer na nagsasaad na ang singsing ay maging kabayaran ng pagkakautang.

Ang kontrata ba ay naaayon sa batas?

Ang kontrata nila Rosario at Jennifer ay naaayon sa batas.  Ang sinisimangutan ng batas ay ang kontratang kapag hindi nabayaran ang utang, ang kolateral ay ariin ng nagpautang na kabayaran ng kanyang pautang.  Ang sitwasyon na ito ay tinatawag sa Latin ng pactum commissorium.

Sa kaso nila Rosario at Jennifer, kapag hindi nabayaran ni Rosario ang kanyang pagkakautang at hindi niya matubos ang singsing, kailangan niyang pumirma sa isang kasulatan na umaayon siyang ang kanyang ibinigay na kolateral ay maging kabayaran sa kanyang pagkakautang.  Ang tawag naman sa Latin nito ay dacion en pago.  Ang pagkakaiba ng pactum commissorium at dacion en pago ay ang automatikong pagmamay-ari ng nagpautang sa kolateral bilang pambayad sa kanyang pautang. 

Sa dacion en pago kasi, si Rosario ay kailangan pumirma sa kontrata ng dacion en pago na naiiba sa kontrata sa naunang pinirmahan niyang dokumento ng pagkakautang.  Na hindi katulad ng pactum commissorium na kasama sa kontrata ng pagpapautang ang automatikong pagmamay-ari ng nagpautang sa kolateral kapag hindi nabayaran sa takdang oras ang utang.

Huwebes, Disyembre 15, 2011

Katarungang Pambarangay


Si Mister ay nambabae habang si Misis ay nasa Greece bilang caregiver.  Natuklasan ni Misis ang lihim ni Mister sa kanyang pagbabakasyon.  Ginulpi pa siya ng Kerida ni Mister ng sila ay kanyang komprontahin.  Ang isyu ay nakarating sa Lupon ng Katarungang Pambarangay kung saan para matapos ang gulo ay pumirma ng kasulatan sa harap ng Punong Barangay, Pinuno ng Lupon at Barangay Secretary.

Napagkasunduan na, si Misis ay hindi na magsasampa ng kasong Concubinage laban kay Mister at ang kanyang Kerida kahit na meron na silang anak,  ibabalik ng Kerida ang nagasto ni Misis sa pagpapagamot sa mga sugat dahil sa pagkakagulpi, at wala na pakialaman sa buhay si Mister at si Misis dahil dalawang buwan buntis pala si Misis sa may mayaman at guwapong boyfriend sa Greece.

Tanong:
Sa tatlong nakapagkasunduan, alin ang ayon sa batas?

Ayon sa batas iyong kasunduang ibalik ng Kerida ang nagasto ni Misis sa pagpapagamot sa mga sugat dahil sa pagkakagulpi.

Hindi ayon sa batas ang kasunduang wala nang pakialaman si Mister at si Misis dahil sa mata ng batas sila pa rin ay mag-asawa hanggat hindi sila legal na naghihiwalay.  Sa mata ng batas sila pa rin ay mag-asawa at may karapatan bilang asawa sa kayamanang maipundar ng isat isa habang nakikisama sa iba.  At nagkakasala pa rin sila sa batas ng tao at ng Diyos sa pagkakaroon ng Kerida at mayaman at guwapong boyfriend.

Hindi rin ayon sa batas ang kasunduang hindi magsasampa ng kasong Concubinage si Misis laban kay Mister kahit meron na silang anak ng kanyang Kerida sa kadahilanang puwedeng magbago ang isip ni Misis at isampa pa rin ang kasong concubinage sa korte hindi siya mapipigilan ni Mister gamit ang kasunduang pinirmahan sa harap ng Punong Barangay.  Ang kasunduan na pinirmahan sa barangay sa usaping hindi pagsampa ng kasong concubinage ay hindi sakop ng Katarungang Pambarangay.

Miyerkules, Disyembre 14, 2011

Kasalan at hiwalayan


Sikat na artistang Pinoy at kanyang Pinay leading lady pumunta nagshooting sa Las Vegas, Nevada, USA ay nagka-in-love-an at nagpakasal doon.

Bago matapos ang shooting, na-fall out of love na sila kaya nagdivorce din doon sa Las Vegas. Nevada.

Tanong:
Pag-uwi sa Pilipinas, puwede pa bang pakasalan ni Sikat na artistang Pinoy ang kanyang non-showbiz girlfriend na naiwan sa Pilipinas?

Hindi na maari.  Habang ikaw ay Pilipino susunod sa iyo ang pagka-Pilipino saan ka man magpunta.  Dahil ikaw ay Pilipino ang batas ng Pilipinas ay susunod sa iyo saan ka man magpunta.

Ayon sa private international law, ang kasal ng Pilipino sa ibang bansa ay valid kahit ginawa sa labas ng bansa at kahit ginawa ayon sa formality ng kasal sa ibang bansa. Kaya lang ang divorce nila sikat na artistang Pinoy at Pinay leading lady sa Las Vegas kahit valid doon ay hindi valid sa Pilipinas sa kadahilanang walang batas ng divorce sa Pilipinas at sumunod sa kanila ang batas ng Pilipinas saan man sila magpunta.

Martes, Disyembre 13, 2011

Foreign Divorce

Sabi ni Misis, “Umalis papuntang America ang mister ko, penetisyon ng kanyang ama.  Naglaon ay naging American citizen na siya.  May isang taon nang wala akong balita sa kanya at ang masaklap hindi na rin siya nagpapadala ng sustento sa akin at sa aming mga anak. Nabalitaan ko na kaya pala tumigil ang sustento dahil ni-divorce na niya pala ako at nag-asawa na siya ng Americana at may anak na silang mestiso.

Tanong niya, dahil ni-divorce na ako ng mister ko at may asawa na siyang iba, puwede na rin ba ako mag-asawa?

Ayon sa batas at sa desisyon ng Supreme Court, maari na ring mag-asawa si Misis.  Pero bago ang kasalan, kailangan pa niyang mag-file ng kasong Recognition of Foreign Judgment sa korte.  Ayon sa ating Family Code, ang Filipina na ni-divorce ng kanyang dayuhang asawa sa kanyang sariling bansa upang mabigyan ng karapatang mag-asawa muli ay binibigyan din ng Family Code ng karapatang mag-asawang muli dito sa ating bansa.  Ayon sa desisyon ng Supreme Court, sakop na rin ang sitwasyong parehong Filipino si Mister at si Misis noong ikinasal ngunit pumuntang ibang bansa si Mister at naging citizen doon kung saan umiiral ang divorce at ni-divorce niya ang naiwang asawa sa Pilipinas.

Mana ng ampon

Si Lolo Jose ay namatay may 30 taong lumipas. Nag-iwan siya ng 24 hektaria ng tituladong lupaing hanggang sa ngayon ay nakapangalan pa sa kanya.  Mayroon siyang tatlong anak na sila Juan, Pedro at Maria.  Si Juan ay may asawa at 5 anak pero siya ay namatay isang taon bago namatay si Lolo Juan.  May limang taon na ring namatay ang asawa ni Juan.  Si Pedro at asawang Susana ay walang anak kaya niya inampon si Daniel.  Si Maria at asawang Mario ay may tatlong anak.  Namayapa na rin sila Pedro and Susana, Maria at si Mario.

Mga tanong:
Magmamana ba si Daniel sa iniwang kayamanan ni Lolo Jose? Bakit?
Bilang mga apo ni Lolo Jose, paano ang hatian sa mana ang mga anak nila Juan, Pedro at Maria?
Ano sana ang ginawa ni Daniel para siya magmana sa kayamanan ni Lolo Jose?

Mga sagot:
Hindi magmamana si Daniel sa kayamanang iniwan ni Lolo Jose.  Ayon sa batas, ang may relasyong legal ay ang umampon at inampon lamang.  Ibig sabihin, si Daniel ay magmamana lang sa mga kayamanan ni Pedro na umampon sa kanya.  Ayon pa rin sa batas, kung yumaman ng todo si Daniel at nauna siyang mamatay kasya kay Pedro, ang tagapagmana ni Daniel ay ang kanyang natural na mga magulang.  Wala siyang bahagi sa kayamanan ni Lolo Jose sa kadahilanang hindi siya tunay na apo ni Lolo Jose.

Ang mga apo ni Lolo Jose kay Juan at Maria ay maghahati sa kanyang kayamanan.  Ayon sa batas, irepresenta ng mga apo ang mana ng kanilang mga yumaong magulang.  Sa kaso ni Lolo Jose, ang mana ni Juan at Maria ay i-representa ng kanilang mga anak.  Kalahati ang mapupunta sa limang anak ni Juan at kalahati naman ang mapupunta sa tatlong anak ni Maria.

Ang ginawa sana ni Daniel para magmana sa kayamanan ni Lolo Jose ay ipina-settle ang estate ni Lolo Jose habang buhay pa ang kanyang amang si Pedro.  Dahil pagkatapos matanggap ni Pedro ang kanyang mana kay Lolo Jose puwede na itong ipamana kay Daniel.

Biyernes, Disyembre 9, 2011

Ang mga tagapagmana at ang kanilang mana

Si Adrian ay isang binatang marino.  Dahil sa isang sakuna ay namatay habang naglalayag.  Nag-iwan siya ng tatlong parcela ng lupaing titulado sa kanyang pangalan at dalawang dollar account at tatlong savings account sa magkakaibang banko.  Dahil sa lungkot sa kanyang pagkamatay, namatay din ang kanyang matagal ng biyudang ina.  Mayroon siyang dalawang dalagang kapatid at isang binatang kapatid?

Mga tanong:
Sino ang tagapagmana ni Adrian?
Kanino magmamana ang tatlong kapatid ni Adrian?
Puwede bang ibenta ng binatang kapatid ang isang parcela ng tituladong lupa para mabayaran ang mga estate taxes ni Adrian at kanilang ina?

Mga sagot:
Ang tagapagmana ni Adrian ay ang kanyang biyudang ina lamang.  Ayon sa batas, kapag ang namatay ay binata at walang anak, ang kanyang tanging tagapagmana ay ang kanyang mga magulang.  Kung naunang namatay ang kanyang mga magulang at saka lamang magmamana ang kanyang mga kapatid at mga pamangkin.  Sa kaso ni Adrian, hindi magmamana sa kanya ang kanyang mga kapatid dahil noong siya ay namatay ay buhay pa ang kanyang ina.

Ang tatlong kapatid ni Adrian ay magmamana sa kanilang ina.  Ayon sa batas, kapag ang namatay ay may mga anak, walang ibang magmamana kundi ang kanyang mga anak.  Sa kaso ng biyudang ina ni Adrian, lahat ng kayamanang minana niya sa kanyang anak na si Adrian ay mamanahin sa kanya ng tatlong kapatid ni Adrian.

Hindi puwedeng ibenta ang binatang kapatid ni Adrian ang isang parcela lupang nakatitulo sa kanya.  Ayon sa batas, hindi mo puwedeng ibenta ang hindi sa iyo.  Habang ang lupa ay nakatitulo kay Adrian, walang puwedeng magbenta o magsanla nito.  Para mapakinabangan ng mga kapatid ni Adrian ang mga minana nilang lupain at mga deposito ni Adrian sa banko sila dapat ay gumawa ng isang extrajudicial settlement of estate ni Adrian para mailipat sa kanilang pangalan ang mga lupaing naiwan ni Adrian.