Si Manny
at si Nestor ay mabuting magkaibigan. Si
Nestor ay humiram ng P10,000 mula kay Manny.
Dahil sa kanilang malapit na relasyon, ang promissory note na pinirmahan
ni Nestor ay nagsasaad na siya ay magbabayad sa kanyang utang “kung meron
siyang pambayad”. Di naglaon, si Manny
at si Nestor ay nag-away. Nagtatanong si
Manny kung paano makulekta ang kanyang pautang dahil nangangailangan siya ng
pera.
Tanong:
Anong legal
na aksyon, kung mayroon man, ang maaring gawin ni Manny?
Si Manny
ay dapat magsampa ng aksyon laban kay Nestor para hilingin sa hukuman na itakda
ang panahon o araw ng pagbabayad. Kapag
naitakda na ng korte ang araw o panahon ng pagbabayad, ito ay maging bahagi ng
kasunduan ng dalawang partido sa kontrata.
Kung ang umutang ay hindi magbabayad sa panahon o araw na itinakda ng
korte, the nagpautang ay maaaring magsampa ng kasong koleksyon. Alin mang kasong koleksyon na isampa bago sa
takdang panahon ay premature.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento