Sina
Efren at Filipina ay mga Filipino at nagpakasal sa Pilipinas. Hindi naglaon, sila ay naghiwalay. Si Efren ay pumunta sa San Francisco,
California, upang manirahan doon ng permanente.
Nakakuha siya ng diborsyo sa California laban kay Filipina dahil sa
paglisan at kalupitan sa kaisipan.
Pagkatapos ay pinakasalan si Girlie, isang Filipina, at hindi nito alam
na si Efren ay may dating asawa. Sina
Efren at Girlie ay nagkaroon ng dalawang anak.
Ang mag-anak ay umuwi sa Pilipinas kung saan si Efren ay namatay.
Tanong:
Ang
paghihiwalay bang nakuha ni Efren sa California ay wasto? Ang kasal bas a
pagitan ni Efren at Girlie ay wasto? Ano
ang legal na katayuan ng dalawang anak nila Efren and Girlie?
Sagot:
Ang
atas ng ganap na paghihiwalay na nakuha ni Efren sa California ay hindi wasto
sa Pilipinas dahil ang ganap na paghihiwalay ay hindi kinikilala sa
Pilipinas. Ayon sa Civil Code, ang mga
batas na may kinalaman sa karapatan at mga tungkulin ng pamilya, o katayuan,
kalagayan at legal na kapasidad ng mga tao ay umiiral sa mga mamamayan ng
Pilipinas kahit na nakatira sa ibang bansa.
Ayon sa Civil Code, ang pampublikong patakaran na ito hindi maaaring
maging walang saysay sa pamamagitan ng isang atas ng ganap na paghihiwalay na
nakuha ni Efren sa California.
Magbabago
ang kuwento kung si Efren ay naging American citizen na bago kumuha ng atas ng
ganap na paghihiwalay sa California.
Dahil siya ay isa ng ganap na Amerikano, hindi na siya saklaw ng batas
ng Pilipinas.
Ang
kasal sa pagitan nila Efren at Girlie ay hindi wasto. Ito ay walang bisa dahil si Efren ay dating
kasal. Mula sa punto de vista ng mga
batas sa Pilipinas, dahil ang atas ng diborsyong nakuha ni Efren sa California
ay hindi wasto, siya ay kasal pa rink ay Filipina.
Sa
pangalawang kwento, ang kasal sa pagitan nila Efren at Girlie ay wasto. Dahil si Efren ay Amerikano na, ang atas ng
diborsyo na nakuha ni Efren sa California ay wasto kaya puwede na siyang
magpakasal kay Girlie.
Ayon
sa Civil Code, ang dalawang anak ni Efren at Girlie ay mga natural children of
legal fiction. Ang dahilan ay
ipinanganak sila sa isang kasalang walang bisa.
Ayon
sa Family Code, iisa na ang klase ng illegitimate children.
Sa
pangalawang kuwento, ang dalawang anak nila Efren at Girlie ay mga legitimate
children dahil walang depekto ay kasal ng kanilang mga magulang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento