Miyerkules, Mayo 16, 2012

Marriage Settlement


Nagdesisyon sila Raymond Managayat at Dulce Inaro na magpakasal bago huling araw ng Bar Exam ng taong 2011.  Nagkasundo silang gumawa ng Kasunduan sa Kasal.  Si Dulce ang gumawa ng nasabing dokumento sa kanyang sariling sulat kamay.  Sila ay nagkasundo sa mga sumusunod:  (1) conjugal partnership of gains; (2) bawat isa ay magregalo ng kalahati ng kanyang kayamanan; (3) Si Dulce ang mamamahala sa mga pagmamamay-ari ng conjugal partnership; at (4) wala sa kanila ang magsasampa ng pagwawalang bisa ng kasal.  Pinirmahan nila ang kasunduan sa harap ng dalawang testigo.  Ngunit hindi nila sinumpaan ito sa harap ng isang notaryo.
Mga tanong:
(a)    May saysay ba ang Kasunduan sa Kasal ayon sa pagkagawa? Maari ba itong i-rehistro sa Register of Deeds? Kung hindi, ano ang mga hakbang na dapat gawin para ito ay maaaring i-rehistro?
(b)   Ang mga pinagkasunduan ba ay naaayon sa batas?
(c)    Kung ang kasunduan ay may saysay ayon sa pagkagawa at ang mga kasunduan ay naaayon sa batas, maaari na bang ipatupad ang kasunduan?
Mga sagot:
(a)    Ang kasunduan ay may saysay sa pagitan lamang ni Raymond and Dulce ngunit hindi nito saklaw ang ibang tao.  Kung gusto nilang masaklawan ang ibang tao sa kanilang kasunduan, kailangan nilang sumpaan ito sa harap ng isang notaryo.
Ang kasunduan nila Raymond and Dulce ay hindi maaaring i-rehistro sa Register of Deeds sa kanilang lugar dahil ito ay isang pribadong dokumento.  Ito ay isang pribadong dokumento dahil hindi ito sinumpaan sa harap ng isang notaryo.
Ang hakbang para ang kasunduan nila Raymond at Dulce ay marehistro sa Register of Deeds ay gawing public document ito sa pamamagitan ng pagkanotaryo nito.
(b)   Sa pagitan ni Raymond at Dulce, maliban sa pangalawa lahat ng napagkasunduan ay ayon sa batas.  Hindi naaayon sa batas ang pangalawang kasunduan dahil hindi inaayunan ng batas ang pagbibigay ng donasyon sa bawat isa.
(c)    Kahit may saysay ang kasunduan at ang mga napakasunduan ay ayon sa batas, hindi pa ito maaaring ipatupad hanggat hindi dumating ang kasalan nila Raymond at Dulce.  Maaari lamang ipatupad ang nasabing kasunduan kung natuloy magpakasal sina Raymond at Dulce.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento