Lunes, Mayo 21, 2012

Conjugal partnership of gains


Sina Asiong at Basyang ay mag-asawa. Habang sila ay kasal, sila ay nagpatayo ng bahay sa loteng pag-aari ni Basyang, sa pamamagitan ng perang naipon ni Asyong.  Hindi sila nagkaroon ng anak.  Sa pagkamatay ni Basyang, gusto ng kanyang mga kamag-anak na kunin ang bahay at lupa mula kay Asyong.  Hindi pumayag ni Asyong.

Tanong:
Kanino mapupunta ang bahay at lupa?

Sagot:
Tama si Asyong nang hindi siya pumayag na ibigay ang bahay at lupa sa mga kamag-anak ni Basyong.

Ang pondong ginamit sa pagpapatayo ng bahay ay conjugal.  Ito ay conjugal dahil ang naturang pondo ay naipon ni Asyong.  Samakatuwid, ang bahay ay conjugal.  Tunay na ang lupa kung saan ipinatayo ang bahay ay paraphernal.  Ngunit, ayon sa Civil Code, ito magiging conjugal kapag na sunod ang kondisyon na ang halaga nito ay ibalik ng conjugal kay Asyang.  Ang kondisyon na ito ay maaari lang matupad kapag namatay si Basyang.  Ipagpalagay na ang kondisyon ay natupad, ang bahay at lupa ay naging conjugal.  Ang kalahati ay para kay Asyong at ang kalahati ay para sa kayamanang naiwan ni Basyang.

Kung kanino dapat malipat ang naiwang kayamanan ni Basyang?  Ipalagay na si Basyang ay namatay na walang Huling Habilin at ipagpalagay din na ang kanyang tagapagmana ay mga kapatid at mga pamangkin, ang kalahati ay para kay Asyong at ang kalahati ay para sa mga naturang kamag-anak, ayon sa batas ng walang huling habilin.  Gayunpaman, kung ang naiwang kamag-anak ay hindi mga kapatid at mga pamangkin, ang buong kayamanan ni Basyang ay mapupunta kay Asyong, alinsunod sa mga tuntunin sa kawalan ng testamento.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento