Nagpakasal
sina Santiago at Maria noong May 1986.
Noong August 1989, pinakasalan din ni Santiago si Lucia at nagkaroon ng
dalawang anak. Noong June 1990, namatay
si Maria. Pinakasalan ni Santiago si
Imelda at iniwan si Lucia. Sa pagsasama
nila Santiago at Lucia sila ay nakabili ng residential lot na may halagang
P450,000.
Si
Lucia ay nagsampa ng kasong bigamya laban kay Santiago at hiniling na ang kasal
nit okay Imelda ay ideklarang walang saysay.
Ang depensa ni Santiago ay hindi daw siya saklaw ng kasal nila ni Lucia
dahil ito ay walang saysay dahil ang kasal nila ay nangyari habang siya ay
kasal kay Maria. Maliban dito, ang
kanyang kasal kay Imelda ay ayon sa batas dahil maaari na siyang magpakasal
muli noong nagpakasal siya dito.
Mga
tanong:
(a)
Ang
mga depensa ba ni Santiago ay tama?
(b)
Anong
ugnayang pagmamamay-ari ang may sakop sa pagsasamang Santiago at Lucia?
(c)
Ang
estate ba ni Maria ay may karapatan sa nabiling residential lot nila Santiago
at Lucia?
Mga
sagot:
(a)
Ang
mga depensa ni Santiago ay hindi ayon sa batas.
Hindi maaaring gamitin ni Santiago ang depensa na hindi siya saklaw ng
kasal nila ni Lucia dahil ito ay kanyang maling gawain at hindi naaayon sa
batas.
Ang
kasal ni Santiago at Imelda ay hindi ayon sa batas kahit na patay na si Maria
noong sila ay ikinasal. Ayon sa Family
Code, kailangan pang ipadeklara sa hukuman na walang saysay ang kasal nila
Santiago at Lucia bago maaaring magpakasal si Santiago kay Imelda.
(b)
Ang
ugnayang pagmamamay-ari nila Santiago at Lucia ay co-ownership ayon sa
itinatadhana ng Article 148 ng Family Code.
Maghahati sila sa naipundar ayon sa nai-ambag nila sa kanilang
naipundar.
(c)
Depende
kung kailan nabili ang residential lot.
Kung ito ay nabili noong nabubuhay pa si Maria, ang kanyang naiwang
kayamanan ay may karapatang sa kalahati ng naipundar nila Santiago at Lucia. Walang saysay ang kasal ni Santiago kay Lucia
kaya sa mata ng batas kung may maipundar si Santiago kalahati ang mapupunta kay
Maria bilang legal na asawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento