Si Quirino
ay may-ari ng bahay at lupa sa Quezon City ay nagbigay ng option kay Romero
para bilhin ang nasabing ari-arian sa loob ng siyamnapung araw mula May 1,
2011. Nagbigay si Romero kay Quirino ng
P1.00 bilang option money. Bago matapos
ang siyamnapung araw, pumunta si Romero kay Quirino upang bilhing ang nasabing
ari-arian at ibigay ang perang pambili ngunit ayaw tanggapin ni Quirino kahil
mayroon ibang taong gustong bilhin ang kanyang bahay at lupa sa halagang P150,000.00
at saka wala daw sapat ng kabayaran iyong option. Nagsampa ng kaso si Romero para pilitin si
Quirino na tanggapin ang bayad at pumirma sa Deed of Sale pabor sa kanya.
Tanong:
Magtatagumpay
ba ang kasong isinampa ni Romero?
Sagot:
Si
Quirino ay maaring utusan ng korte na tanggapin ang bayad na P100,000 at
pumirma sa deed of sale pabor kay Romero.
Ang rason ay mayroong nabuong kontrata ng bentahan.
Ayon sa
batas, mayroong unilateral na action si Quirino upang ipagbili ang kanyang
bahay at lupa. Para sa layuning iyon,
binigyan niya si Romero ng opsyon na siyamnapung araw mula sa May 1, 2011 para
mag-isip kung bilhin niya ito o hindi. Ang bayad sa opsyon ay P1.00. Dahil may bayad ang opsyon, si Quirino ay
nakatali sa kanyang pangako na ibenta kay Romero sa loob ng siyamnapung
araw. Sa loob ng panahon ng option
nakapagdesisyon si Romero na tuparin ang option. Samakatuwid, merong nabuong kontrata ng
pagbebenta.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento