Manny
and Nita, mag-asawa, ay nagpasyang maghiwalay sa pamamagitan ng kasunduan. Sila ay gumawa ng kontrata, kanilang
pinirmahan at ipina-notario. Nakasaad
dito ang kanilang paghihiwalay at paghahati ng conjugal assets. Sumang-ayon din silang mabuhay nang hiwalay
at kung alin man sa kanila ay makakahanap ng ibang kapareha, ang isa ay hindi
hahadlang sa kanilang pagsasama at hindi rin magsasampa ng kaso laban dito.
Tanong:
Ayon sa
batas ba lahat ng kanilang nakapagkasunduan?
Sagot:
1.
Ang
probisyon para sa kanilang paghihiwalay ay walang bisa.
2.
Ang
probisyon para sa paghahati ng conjugal assets sa labas ng korte ay walang
bisa.
3.
Ang
kasunduang manirahang magkahiwalay ay walang bisa.
4.
Ang
kasunduang alinman sa kanila ay makahanap ng ibang kapareha, ang isa ay hindi
hahadlang sa kanilang pagsasama at hindi rin magsasampa ng kaso laban dito ay
walang bisa.
Ang
mga nabanggit na kasunduan ay walang bisa dahil ang mga ito ay labag sa batas,
moralidad, magandang kaugalian, kaayusang pambayan at pampublikong
patakaran. Lahat ng ito ay ayon sa
Article 221 ng Civil Code ng Pilipinas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento