Si Anna
ay nagrenta ng isang safety deposit box sa Altima Bank, nagbayad siya ng renta
at binigyan ng susi nito. Inilagay ni
Anna ang kanyang mga alahas at gintong barya sa kahon. Pagkalipas ng ilang araw, may tatlong
armadong kalalakihan na nakapasok sa Altima Bank, nabuksan nila ang kaha de
yero at safety deposit box kasama yong kay Anna at nilimas ang laman ng mga
ito.
Tanong:
Maaari
bang panagutin ni Anna ang Altima Bank sa pagkawala ng nilalaman ng kanyang
deposit box?
Sagot:
Hindi,
dahil ang pagkawala ng mga gamit ni Anna sa safety deposit box ay force
majeure. Walang may pananagutan sa
pagkawala sa pamamagitan ng force majeure maliban lang kung may kapabayaan sa
panig ng bangko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento