Huwebes, Mayo 31, 2012

Correction of entry


Gusto ni Celso Wee na ayusin ang maling information sa kanyang birth certificate sa isa sa kanyang anak na lalaking si Celso, Jr. isinasaad na siya ay isang Chinese at hindi Filipino.  Kasama sa mga ebidensiya hawak ni Celso Wee ay kanyang sariling birth certificate na nagsasabing siya ay Filipino, ang birth certificate ng kanyang ibang anak na nagsasaad na sila ay mga Filipino at isang desisyon ng hukuman na ang kanyang ama (lolo ni Celso, Jr.) ay Filipino.

Mga tanong:
(a)  Anong kaso ang kailangan isampa ni Celso para maisaayos ang maling informasyon sa birth certificate ng kanyang anak?
(b)  Sino ang mga partido sa kaso?

Mga Sagot:
(a)  Si Celso kailangang magsampa ng isang Petition na kailangang litisin sa korte upang maisaayos ang maling informasyon sa birth certificate ng kanyang anak.  Ayon sa isang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman, sa kasong pinamagatang Republic of the Philippines vs. Valencia, ay hindi lang simpleng mga pagkakamali ang maaaring paksa ng kaso kundi mga matitinding pagkakamali rin tulad ng apelyido, citizenship at kasarian.

(b)  Ang mga partido sa Petition sa pagsasaayos ng maling informasyon sa birth certificate ay ang Civil Registrar kung saan nakarehistro ang kanyang birth certificate ang lahat ng mga taong apektado o may interest sa paksa ng petition kasama ng Solicitor General.

Miyerkules, Mayo 30, 2012

Contract of Option


Si Quirino ay may-ari ng bahay at lupa sa Quezon City ay nagbigay ng option kay Romero para bilhin ang nasabing ari-arian sa loob ng siyamnapung araw mula May 1, 2011.  Nagbigay si Romero kay Quirino ng P1.00 bilang option money.  Bago matapos ang siyamnapung araw, pumunta si Romero kay Quirino upang bilhing ang nasabing ari-arian at ibigay ang perang pambili ngunit ayaw tanggapin ni Quirino kahil mayroon ibang taong gustong bilhin ang kanyang bahay at lupa sa halagang P150,000.00 at saka wala daw sapat ng kabayaran iyong option.  Nagsampa ng kaso si Romero para pilitin si Quirino na tanggapin ang bayad at pumirma sa Deed of Sale pabor sa kanya.


Tanong:
Magtatagumpay ba ang kasong isinampa ni Romero?

Sagot:
Si Quirino ay maaring utusan ng korte na tanggapin ang bayad na P100,000 at pumirma sa deed of sale pabor kay Romero.  Ang rason ay mayroong nabuong kontrata ng bentahan.

Ayon sa batas, mayroong unilateral na action si Quirino upang ipagbili ang kanyang bahay at lupa.  Para sa layuning iyon, binigyan niya si Romero ng opsyon na siyamnapung araw mula sa May 1, 2011 para mag-isip kung bilhin niya ito o hindi. Ang bayad sa opsyon ay P1.00.  Dahil may bayad ang opsyon, si Quirino ay nakatali sa kanyang pangako na ibenta kay Romero sa loob ng siyamnapung araw.  Sa loob ng panahon ng option nakapagdesisyon si Romero na tuparin ang option.  Samakatuwid, merong nabuong kontrata ng pagbebenta.

Martes, Mayo 29, 2012

Whenever his means permit


Si Manny at si Nestor ay mabuting magkaibigan.  Si Nestor ay humiram ng P10,000 mula kay Manny.  Dahil sa kanilang malapit na relasyon, ang promissory note na pinirmahan ni Nestor ay nagsasaad na siya ay magbabayad sa kanyang utang “kung meron siyang pambayad”.  Di naglaon, si Manny at si Nestor ay nag-away.  Nagtatanong si Manny kung paano makulekta ang kanyang pautang dahil nangangailangan siya ng pera.

Tanong:
Anong legal na aksyon, kung mayroon man, ang maaring gawin ni Manny?

Si Manny ay dapat magsampa ng aksyon laban kay Nestor para hilingin sa hukuman na itakda ang panahon o araw ng pagbabayad.  Kapag naitakda na ng korte ang araw o panahon ng pagbabayad, ito ay maging bahagi ng kasunduan ng dalawang partido sa kontrata.  Kung ang umutang ay hindi magbabayad sa panahon o araw na itinakda ng korte, the nagpautang ay maaaring magsampa ng kasong koleksyon.  Alin mang kasong koleksyon na isampa bago sa takdang panahon ay premature.

Huwebes, Mayo 24, 2012

Safety Deposit Box


Si Anna ay nagrenta ng isang safety deposit box sa Altima Bank, nagbayad siya ng renta at binigyan ng susi nito.  Inilagay ni Anna ang kanyang mga alahas at gintong barya sa kahon.  Pagkalipas ng ilang araw, may tatlong armadong kalalakihan na nakapasok sa Altima Bank, nabuksan nila ang kaha de yero at safety deposit box kasama yong kay Anna at nilimas ang laman ng mga ito.

Tanong:
Maaari bang panagutin ni Anna ang Altima Bank sa pagkawala ng nilalaman ng kanyang deposit box?

Sagot:
Hindi, dahil ang pagkawala ng mga gamit ni Anna sa safety deposit box ay force majeure.  Walang may pananagutan sa pagkawala sa pamamagitan ng force majeure maliban lang kung may kapabayaan sa panig ng bangko.

Miyerkules, Mayo 23, 2012

Extrajudicial separation


Manny and Nita, mag-asawa, ay nagpasyang maghiwalay sa pamamagitan ng kasunduan.  Sila ay gumawa ng kontrata, kanilang pinirmahan at ipina-notario.  Nakasaad dito ang kanilang paghihiwalay at paghahati ng conjugal assets.  Sumang-ayon din silang mabuhay nang hiwalay at kung alin man sa kanila ay makakahanap ng ibang kapareha, ang isa ay hindi hahadlang sa kanilang pagsasama at hindi rin magsasampa ng kaso laban dito.

Tanong:
Ayon sa batas ba lahat ng kanilang nakapagkasunduan?

Sagot:
1.    Ang probisyon para sa kanilang paghihiwalay ay walang bisa.
2.    Ang probisyon para sa paghahati ng conjugal assets sa labas ng korte ay walang bisa.
3.    Ang kasunduang manirahang magkahiwalay ay walang bisa.
4.    Ang kasunduang alinman sa kanila ay makahanap ng ibang kapareha, ang isa ay hindi hahadlang sa kanilang pagsasama at hindi rin magsasampa ng kaso laban dito ay walang bisa.

Ang mga nabanggit na kasunduan ay walang bisa dahil ang mga ito ay labag sa batas, moralidad, magandang kaugalian, kaayusang pambayan at pampublikong patakaran.  Lahat ng ito ay ayon sa Article 221 ng Civil Code ng Pilipinas.

Martes, Mayo 22, 2012

Difference between the Civil Code and the Family Code


Sina Efren at Filipina ay mga Filipino at nagpakasal sa Pilipinas.  Hindi naglaon, sila ay naghiwalay.  Si Efren ay pumunta sa San Francisco, California, upang manirahan doon ng permanente.  Nakakuha siya ng diborsyo sa California laban kay Filipina dahil sa paglisan at kalupitan sa kaisipan.  Pagkatapos ay pinakasalan si Girlie, isang Filipina, at hindi nito alam na si Efren ay may dating asawa.  Sina Efren at Girlie ay nagkaroon ng dalawang anak.  Ang mag-anak ay umuwi sa Pilipinas kung saan si Efren ay namatay.

Tanong:
Ang paghihiwalay bang nakuha ni Efren sa California ay wasto? Ang kasal bas a pagitan ni Efren at Girlie ay wasto?  Ano ang legal na katayuan ng dalawang anak nila Efren and Girlie?

Sagot:
Ang atas ng ganap na paghihiwalay na nakuha ni Efren sa California ay hindi wasto sa Pilipinas dahil ang ganap na paghihiwalay ay hindi kinikilala sa Pilipinas.  Ayon sa Civil Code, ang mga batas na may kinalaman sa karapatan at mga tungkulin ng pamilya, o katayuan, kalagayan at legal na kapasidad ng mga tao ay umiiral sa mga mamamayan ng Pilipinas kahit na nakatira sa ibang bansa.  Ayon sa Civil Code, ang pampublikong patakaran na ito hindi maaaring maging walang saysay sa pamamagitan ng isang atas ng ganap na paghihiwalay na nakuha ni Efren sa California.

Magbabago ang kuwento kung si Efren ay naging American citizen na bago kumuha ng atas ng ganap na paghihiwalay sa California.  Dahil siya ay isa ng ganap na Amerikano, hindi na siya saklaw ng batas ng Pilipinas.

Ang kasal sa pagitan nila Efren at Girlie ay hindi wasto.  Ito ay walang bisa dahil si Efren ay dating kasal.  Mula sa punto de vista ng mga batas sa Pilipinas, dahil ang atas ng diborsyong nakuha ni Efren sa California ay hindi wasto, siya ay kasal pa rink ay Filipina.

Sa pangalawang kwento, ang kasal sa pagitan nila Efren at Girlie ay wasto.  Dahil si Efren ay Amerikano na, ang atas ng diborsyo na nakuha ni Efren sa California ay wasto kaya puwede na siyang magpakasal kay Girlie.

Ayon sa Civil Code, ang dalawang anak ni Efren at Girlie ay mga natural children of legal fiction.  Ang dahilan ay ipinanganak sila sa isang kasalang walang bisa.

Ayon sa Family Code, iisa na ang klase ng illegitimate children.

Sa pangalawang kuwento, ang dalawang anak nila Efren at Girlie ay mga legitimate children dahil walang depekto ay kasal ng kanilang mga magulang.

Lunes, Mayo 21, 2012

Conjugal partnership of gains


Sina Asiong at Basyang ay mag-asawa. Habang sila ay kasal, sila ay nagpatayo ng bahay sa loteng pag-aari ni Basyang, sa pamamagitan ng perang naipon ni Asyong.  Hindi sila nagkaroon ng anak.  Sa pagkamatay ni Basyang, gusto ng kanyang mga kamag-anak na kunin ang bahay at lupa mula kay Asyong.  Hindi pumayag ni Asyong.

Tanong:
Kanino mapupunta ang bahay at lupa?

Sagot:
Tama si Asyong nang hindi siya pumayag na ibigay ang bahay at lupa sa mga kamag-anak ni Basyong.

Ang pondong ginamit sa pagpapatayo ng bahay ay conjugal.  Ito ay conjugal dahil ang naturang pondo ay naipon ni Asyong.  Samakatuwid, ang bahay ay conjugal.  Tunay na ang lupa kung saan ipinatayo ang bahay ay paraphernal.  Ngunit, ayon sa Civil Code, ito magiging conjugal kapag na sunod ang kondisyon na ang halaga nito ay ibalik ng conjugal kay Asyang.  Ang kondisyon na ito ay maaari lang matupad kapag namatay si Basyang.  Ipagpalagay na ang kondisyon ay natupad, ang bahay at lupa ay naging conjugal.  Ang kalahati ay para kay Asyong at ang kalahati ay para sa kayamanang naiwan ni Basyang.

Kung kanino dapat malipat ang naiwang kayamanan ni Basyang?  Ipalagay na si Basyang ay namatay na walang Huling Habilin at ipagpalagay din na ang kanyang tagapagmana ay mga kapatid at mga pamangkin, ang kalahati ay para kay Asyong at ang kalahati ay para sa mga naturang kamag-anak, ayon sa batas ng walang huling habilin.  Gayunpaman, kung ang naiwang kamag-anak ay hindi mga kapatid at mga pamangkin, ang buong kayamanan ni Basyang ay mapupunta kay Asyong, alinsunod sa mga tuntunin sa kawalan ng testamento.

Huwebes, Mayo 17, 2012

Court declaration needed


Nagpakasal sina Santiago at Maria noong May 1986.  Noong August 1989, pinakasalan din ni Santiago si Lucia at nagkaroon ng dalawang anak.  Noong June 1990, namatay si Maria.  Pinakasalan ni Santiago si Imelda at iniwan si Lucia.  Sa pagsasama nila Santiago at Lucia sila ay nakabili ng residential lot na may halagang P450,000.

Si Lucia ay nagsampa ng kasong bigamya laban kay Santiago at hiniling na ang kasal nit okay Imelda ay ideklarang walang saysay.  Ang depensa ni Santiago ay hindi daw siya saklaw ng kasal nila ni Lucia dahil ito ay walang saysay dahil ang kasal nila ay nangyari habang siya ay kasal kay Maria.  Maliban dito, ang kanyang kasal kay Imelda ay ayon sa batas dahil maaari na siyang magpakasal muli noong nagpakasal siya dito.

Mga tanong:
(a)    Ang mga depensa ba ni Santiago ay tama?
(b)   Anong ugnayang pagmamamay-ari ang may sakop sa pagsasamang Santiago at Lucia?
(c)    Ang estate ba ni Maria ay may karapatan sa nabiling residential lot nila Santiago at Lucia?

Mga sagot:
(a)    Ang mga depensa ni Santiago ay hindi ayon sa batas.  Hindi maaaring gamitin ni Santiago ang depensa na hindi siya saklaw ng kasal nila ni Lucia dahil ito ay kanyang maling gawain at hindi naaayon sa batas.

Ang kasal ni Santiago at Imelda ay hindi ayon sa batas kahit na patay na si Maria noong sila ay ikinasal.  Ayon sa Family Code, kailangan pang ipadeklara sa hukuman na walang saysay ang kasal nila Santiago at Lucia bago maaaring magpakasal si Santiago kay Imelda. 

(b)   Ang ugnayang pagmamamay-ari nila Santiago at Lucia ay co-ownership ayon sa itinatadhana ng Article 148 ng Family Code.  Maghahati sila sa naipundar ayon sa nai-ambag nila sa kanilang naipundar.

(c)    Depende kung kailan nabili ang residential lot.  Kung ito ay nabili noong nabubuhay pa si Maria, ang kanyang naiwang kayamanan ay may karapatang sa kalahati ng naipundar nila Santiago at Lucia.  Walang saysay ang kasal ni Santiago kay Lucia kaya sa mata ng batas kung may maipundar si Santiago kalahati ang mapupunta kay Maria bilang legal na asawa.

Miyerkules, Mayo 16, 2012

Marriage Settlement


Nagdesisyon sila Raymond Managayat at Dulce Inaro na magpakasal bago huling araw ng Bar Exam ng taong 2011.  Nagkasundo silang gumawa ng Kasunduan sa Kasal.  Si Dulce ang gumawa ng nasabing dokumento sa kanyang sariling sulat kamay.  Sila ay nagkasundo sa mga sumusunod:  (1) conjugal partnership of gains; (2) bawat isa ay magregalo ng kalahati ng kanyang kayamanan; (3) Si Dulce ang mamamahala sa mga pagmamamay-ari ng conjugal partnership; at (4) wala sa kanila ang magsasampa ng pagwawalang bisa ng kasal.  Pinirmahan nila ang kasunduan sa harap ng dalawang testigo.  Ngunit hindi nila sinumpaan ito sa harap ng isang notaryo.
Mga tanong:
(a)    May saysay ba ang Kasunduan sa Kasal ayon sa pagkagawa? Maari ba itong i-rehistro sa Register of Deeds? Kung hindi, ano ang mga hakbang na dapat gawin para ito ay maaaring i-rehistro?
(b)   Ang mga pinagkasunduan ba ay naaayon sa batas?
(c)    Kung ang kasunduan ay may saysay ayon sa pagkagawa at ang mga kasunduan ay naaayon sa batas, maaari na bang ipatupad ang kasunduan?
Mga sagot:
(a)    Ang kasunduan ay may saysay sa pagitan lamang ni Raymond and Dulce ngunit hindi nito saklaw ang ibang tao.  Kung gusto nilang masaklawan ang ibang tao sa kanilang kasunduan, kailangan nilang sumpaan ito sa harap ng isang notaryo.
Ang kasunduan nila Raymond and Dulce ay hindi maaaring i-rehistro sa Register of Deeds sa kanilang lugar dahil ito ay isang pribadong dokumento.  Ito ay isang pribadong dokumento dahil hindi ito sinumpaan sa harap ng isang notaryo.
Ang hakbang para ang kasunduan nila Raymond at Dulce ay marehistro sa Register of Deeds ay gawing public document ito sa pamamagitan ng pagkanotaryo nito.
(b)   Sa pagitan ni Raymond at Dulce, maliban sa pangalawa lahat ng napagkasunduan ay ayon sa batas.  Hindi naaayon sa batas ang pangalawang kasunduan dahil hindi inaayunan ng batas ang pagbibigay ng donasyon sa bawat isa.
(c)    Kahit may saysay ang kasunduan at ang mga napakasunduan ay ayon sa batas, hindi pa ito maaaring ipatupad hanggat hindi dumating ang kasalan nila Raymond at Dulce.  Maaari lamang ipatupad ang nasabing kasunduan kung natuloy magpakasal sina Raymond at Dulce.