Linggo, Marso 4, 2012

Real Estate Tax is different from Estate Tax


#11 CEE | August 06, 2010
our father died 20 years ago. our residencial property was transfer in the name of our mom and us (as heirs of our father and not by our names). our mom died 4 years ago (no last will). we religious pay our real estate taxes. just over 3 months ago we received a notice from BIR that we should transfer properties in her name to us heirs. we are not aware of the immediate need for the transfer and we are worried about the fees and taxes that we need to pay. could you please enlightened us about the process of land transfer and what are the fees that would be incured (how much). and what tax deductions which could be applied to lower the cost. what does "family home means"? Thanks.

Sagot:
Ayon sa batas, ang mga tagapagmana ay may obligasyon na abisuhan ang Bureau of Internal Revenue sa loob ng dalawang buwan na ang isang taong may naiwang kayamanan ay namatay na.  Ang pangalawang obligasyon ng mga tagapagmana ay partehin ang naiwang kayamanan sa loob ng anim na buwan mula sa pagkamatay ng yumao.
Dagdag sa iyong kaalaman, ang real estate taxes ay binayaran taon-taon sa munisipyo na ipinataw ng pamahalaang panlalawigan.  Ang buwis naman para sa paglipat ng kayamanan mula sa patay sa mga tagapagmana ay estate tax na ipinapataw ng pamahalaan ng Pilipinas.
Ang proseso sa paglilipat ng naiwang kayamanan mula sa inyong ina sa inyong kanyang mga anak bilang tagapagmana pamamagitan ng extrajudicial settlement of estate kung saan pipirmahan ninyong magkakapatid.  Kukuwentahin ang gross estate gagamitin ang zonal value ng lupain at mga istruktura na nakatayo sa nasabing lupain.  Ang maaaring ibawas sa gross estate ang zonal value ng family home pero hindi hihigit sa P300,000.00 at ang standard deduction na P1 million, at iba pang deduction na pinapayagan ng Internal Revenue Code ng Pilipinas.
Ang family home ay ang bahay o tirahan ng yamao na maaari niyang ipamana sa kanyang mga tagapagmana.

Sabado, Marso 3, 2012

You cannot sell what you do not own.


#10 RONDA | July 30, 2010
a friend of mine enheritted a property from her deceased mother. the bigger portion of her property was given to her and her siblings back home wants to sell all inheritted properties including hers which she really opposed to and had told them she's against it. the problem is the property title has not yet been transfered to he name. what legal steps should she take to make sure none of them back in the philippines can sell her inheritted properties? if she would need to hire a lawyer locally in the philippines will she need them to file an affidavit to freeze any sale proceedings?how much would this process cost?

Sagot:
Ayon sa iyong salaysay, may lupain minana ang kaibigan mo mula sa kanyang nanay at sa kasalukuyan ay nakapangalan pa rin ang lupain sa pangalan ng kanyang nanay at hindi pa naililipat sa kanilang magkakapatid.

Ayon sa batas, hindi mo maaring ibenta ang hindi iyo.  Ibig sabihin, dahil ang lupa ay nakapangalan pa sa nanay ng kaibigan mo, wala sa mga kapatid niya ang maaaring magbenta nito dahil wala pa sa kanilang pangalan. At kung wala pa sa kanilang pangalan, hindi pa sila ang may-ari nito.

May obligasyon ang mga tagapagmana sa batas, kailangang abisuhan ang Bureau of Internal Revenue sa loob ng dalawang buwan na ang isang taong may naiwang kayamanan ay namatay na.  Ang pangalawang obligasyon ng mga tagapagmana ay partehin ang naiwang kayamanan sa loob ng anim na buwan mula sa pagkamatay ng yumao.

Para makuha ng kaibigan mo ang kanyang parte sa kayamanan ng kanyang ina, kailangan nilang magkakapatid ang pumunta sa abogado at magpagawa ng Extrajudicial Settlement of Estate ng ina ng kaibigan mo.  Sa documentong ito, ang kaibigan mo at ang kanyang mga kapatid ay pipirma para malipat sakanila ang kanilang kanya kanyang mana mula sa kanilang ina. 

Huwebes, Marso 1, 2012

Can a former Filipino own properties in the Philippines?


#9 BILL ROSALES | July 22, 2010
My mom passed away back in 2003 and left house and lot in the province, she bought the land when she was still a Filipino citizen, after becoming a US citizen prior to retiring in the Philippines, she built a house on the lot. She had no will. Is it possible for a US citizen son or daughter to inherent the house and and sell the property?

Sagot:
Ayon sa batas, ang isang hindi Filipino ay maaaring magmay-ari ng bahay at lupa sa Pilipinas kung ito ay kanyang mamanahin.

Sa kaso mo Bill, kahit na sa Amerika ka na ipinanganak maaari ka pa ring magmay-ari ng bahay at lupa sa Pilipinas kung ito’y iyong mamanahin.  Siyempre, kung nasa pangalan mo na ang papeles ng bahay at lupa puwede mo na ring ibenta ito kung ito ang nais mo.

Martes, Pebrero 28, 2012

Sharing when surviving spouse and parent are the only heirs


#8 M L HITT | July 20, 2010
My son is a US citizen and surviving spouse of a naturalized US citizen from the Phillippines. She owned extensive property in Manila with her mother and brother. She died without a will in the US. Is my son entitled to ownership of the property in her name in Manila? If so, what should be his first step to claim the properties?

Sagot:
Ayon sa batas, kung ang asawa ay mamatay at mag-iwan ng kayamanan at ang naiwang tagapagmana ay nanay at asawa ang mamanahin ng naiwang asawa ay ika-apat ng bahagi at sa nanay na ang natitira.  Hindi magmamana sa kanya ang kanyang kapatid dahil buhay pa ang kanyang nanay.

Sa kaso ng inyong anak, siya ay magmamana sa kanyang asawa sa mga kayamanang nakapangalan sa kanyang yumaong asawa ng ika-apat na bahagi.  Para sa mga ari-ariang nasa pangalan ng ina at kapatid ng yumaong asawa ng inyong anak, kailangan pang alamin kung anong bahagi nito ang pagmamamay-ari ng yumao.  Kinakailangan din kasing ihiwalay ang parte ng yumao at mailipat ito sa kanyang mga tagapagmana.

Kung maganda pa ang ugnayan ng anak mo sa kanyang biyanan at bayaw, maari silang pumirma ng Extrajudicial Settlement of Estate ng kanyang yumaong asawa.  Ngunit kung hindi na maganda ang kanilang ugnayan at nais pa rin ng anak mong makuha ang kanyang mana sa kanyang asawa, kailangan niyang magsampa ng kasong partition.

Isang paglilinaw, ang hindi Filipino citizen ay puwedeng magmay-ari ng lupain sa Pilipinas kung ang pagmamay-ari nito ay sa pamamagitan ng mana.

Lunes, Pebrero 27, 2012

Am I my sibling's keeper?


#6 CAROL CHAN | June 18, 2010
We have a property that was left by my father a long time ago. We are 10 in the family. 9 of us were in the states and 1 was left behind because she had her own family. She had us do a POA with waivers because she said we will loose all our properties if she does not have our POAs. Our families have always been close and because we trusted her, most of us did and it is now annotated on the title of the property. She will not show us the title of the property. So we (the ones who made POA's did a revocation but we cannot annotate it in the title but we filed it in the local registry of deeds. She is now in the states, now a US citizen and we all wanted to build on what our dad left us in memory of our dad, she fought us and still fighting us. we want to annotate our revocation in the title, and my question is where can we get an original title of our property so we can annotate the revocations.

Sagot:
Ayon sa iyong salaysay, binigyan ninyo ang inyong kapatid na naiwan sa Pilipinas ng Power of Attorney na may waiver dahil mawawalan daw kayo kung hindi kayo magbigay nito.

Kung ang Power of Attorney na ibinigay ninyo ay para ma-settle ang estate ng inyong ama, binigyan ninyo ng kapangyarihan ang inyong kapatid na ipirma ang inyong mga pangalan sa Extrajudicial Settlement of Estate ng inyong yumaong ama. 

Kung ang waiver na ibinigay ninyo ay pabor sa inyong kapatid na naiwan sa Pilipinas, kayong lahat na nagbigay ng Power of Attorney at waiver ay nagbigay ng karapatan sa kapatid ninyong naiwan sa Pilipinas para maging may-ari sa parte ninyo sa mana mula sa inyong ama.

Kahit na na-annotate sa titulo ang inyong Power of Attorney at waiver sa titulo ng inyong yumaong ama,  ang kanyang titulo ay maka-cancel at magbibigay ang Register of Deeds ng bagong titulo sa pangalan ng inyong kapatid na naiwan sa Pilipinas bilang resulta ng Power of Attorney at waiver.   Kaya siguro ayaw ipakita ng kapatid ninyo ang bagong titulo sa inyo kasi nakapangalan na sa kanya.

Maaari ninyong tignan ang titulo ng inyong yumaong ama at ang bagong titulo sa pangalan ng inyong kapatid sa Register of Deeds kung nasaan ang naiwang lupain.  Dahil ang pagkuha ng Power of Attorney at waiver ay isang panlilinglang, maari ninyong ipawalang bisa ang nasabing Power of Attorney at waiver sa isang kaso sa korte.  Pagkatapos ng kaso, makukuha ninyo ang inyong marapat na parte sa kayamanan ng inyong yumaong ama at saka pa lamang makapagpatayo ng inyong ninanais sa inyong minanang lupa.

Biyernes, Pebrero 24, 2012

Just sign and give... that is how simple it is.

LAGDA PARA SA KRUS NA PULA
 has been approved by the Board of Directors during February 23, 2012 meeting. We need your support soon Red Cross Friends! We will be knocking at your doors to gather 50,000 Signatures ...A Fund Raising Project of Red Cross Alaminos City- Western Pangasinan Chapter for 2012...

Siblings are not heirs


#5 EDWIN P. GONZALES | May 18, 2010
a lot property was left behind by a dead sister. My mother died before my sister’s death. I have my father who is still alive and 8 surviving siblings. Now my father would like to sell the property. What shall we do? Are my siblings entitled to a share of the value of the lot in case of sale? If so, how it should be distributed? In selling the property, are my siblings’ signatures required on the deed of sale?
Thanks for your time in answering this question.

Sagot:
Ayon sa batas, kung ang naiwang tagapagmana ng yumao ay ang kanyang mga magulang at ang mga kapatid, ang magmamana sa kanya ay ang kanyang mga magulang at walang mamanahin sa kanya ng kanyang mga kapatid.

Dahil ang nagmana sa lote na naiwan ng kapatid mong babae ay ang iyong ama lamang, puwede niyang ibenta ito.  Dahil nga hindi tagapagmana ng namatay mong kapatid ang iba pa niyang kapatid, wala silang inaasahang parte sa mapagbentahan ng lupa.  Sa parehong rason, hindi rin kailangan ng pirma ng mga kapatid mo para maibenta ng tatay nyo ang nasabing lote.