Sabado, Marso 3, 2012

You cannot sell what you do not own.


#10 RONDA | July 30, 2010
a friend of mine enheritted a property from her deceased mother. the bigger portion of her property was given to her and her siblings back home wants to sell all inheritted properties including hers which she really opposed to and had told them she's against it. the problem is the property title has not yet been transfered to he name. what legal steps should she take to make sure none of them back in the philippines can sell her inheritted properties? if she would need to hire a lawyer locally in the philippines will she need them to file an affidavit to freeze any sale proceedings?how much would this process cost?

Sagot:
Ayon sa iyong salaysay, may lupain minana ang kaibigan mo mula sa kanyang nanay at sa kasalukuyan ay nakapangalan pa rin ang lupain sa pangalan ng kanyang nanay at hindi pa naililipat sa kanilang magkakapatid.

Ayon sa batas, hindi mo maaring ibenta ang hindi iyo.  Ibig sabihin, dahil ang lupa ay nakapangalan pa sa nanay ng kaibigan mo, wala sa mga kapatid niya ang maaaring magbenta nito dahil wala pa sa kanilang pangalan. At kung wala pa sa kanilang pangalan, hindi pa sila ang may-ari nito.

May obligasyon ang mga tagapagmana sa batas, kailangang abisuhan ang Bureau of Internal Revenue sa loob ng dalawang buwan na ang isang taong may naiwang kayamanan ay namatay na.  Ang pangalawang obligasyon ng mga tagapagmana ay partehin ang naiwang kayamanan sa loob ng anim na buwan mula sa pagkamatay ng yumao.

Para makuha ng kaibigan mo ang kanyang parte sa kayamanan ng kanyang ina, kailangan nilang magkakapatid ang pumunta sa abogado at magpagawa ng Extrajudicial Settlement of Estate ng ina ng kaibigan mo.  Sa documentong ito, ang kaibigan mo at ang kanyang mga kapatid ay pipirma para malipat sakanila ang kanilang kanya kanyang mana mula sa kanilang ina. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento