Miyerkules, Marso 7, 2012

Transfer titles when someone dies


#12 JOSEL ALCURAN | August 11, 2010
My father died 1999, 11 years ago, and just learned that the house that we are living need to be transfer to us. The title of the estate is still with my grandparents who passed away 1979(Grandfather) and 1981(Grandmother). My Mom still lives with us. We are continiuosly paying the real state tax but I heard that we also need to pay the estate tax or inheritance tax. The zonal value of the estate is around 1M Pesos.
Kindly enlighten us how we can arrange to fix this issues and to whom we need to coordinate. I will appreciate also if you can give us some advise to reduce the cost of the fees. Thanks in advance.

Sagot:
Para sa iyong kabatiran, ang real estate tax ay buwis sa lupa at bahay na ipinataw ng pamahalaang panlalawigan na kinukulekta ng mga bayan o siyudad at ang estate tax ay buwis sa paglilipat ng kayamanan mula sa yumao sa kanyang mga tagapagmana.  Ang estate tax naman ay ipinapataw ng pamahalaan ng Pilipinas at kinukulekta ng Bureau of Internal Revenue.
Ayon sa batas, ang mga tagapagmana ay may obligasyon na abisuhan ang Bureau of Internal Revenue sa loob ng dalawang buwan na ang isang taong may naiwang kayamanan ay namatay na.  Ang pangalawang obligasyon ng mga tagapagmana ay partehin ang naiwang kayamanan sa loob ng anim na buwan mula sa pagkamatay ng yumao.
Sa kaso ninyo, noong namatay ng lolo mo noong 1979 sana ay inilipat ang kanyang mga ari-arian sa kanyang mga tagapagmana.  Ganoon din noong 1987 noong namatay ang lola mo, sana inilipat din ang mga ari-arian sa kanyang pangalan sa kanyang mga tagapagmana.  At noong 1999 na namatay ang tatay mo, sana inilipat ang mga ari-ariang minana at ipinundar sa inyong ina at sa inyong magkakapatid bilang kanyang tagapagmana.  Dahil hindi ninyo nagawa ang itinatadhana ng batas, kayo ay magbabayad ng penalty sa hindi pagbibigay ng abiso sa loob ng dalawang buwan muna sa pagkamatay ng mga yumao.  At penalty rin sa hindi paglilipat ng kayamanan ng yumao sa mga tagapagmana sa loob ng anim na buwan mula sa kanilang pagkamatay.
Pumunta kayo sa isang abogado na malawak ang kaalaman tungkol sa settlement of estate at alam ang batas at patakaran ng Bureau of Internal Revenue para matulungan kayo sa pagsasaayos sa paglilipat ng mga kayamanan sa inyong mga pangalan.

1 komento:

  1. I learned a lot of things I really have no idea. Thanks for these informative post.

    TumugonBurahin