Linggo, Marso 11, 2012

Does a brother have a legitime?


Ang natitirang kamag-anak ni Gilbert ay ang kanyang mga kapatid na Jose and Bernie. 
Si Gilbert ay gumawa ng testamento at huling habilin na nagsasaad ng ganito: “Aking itinatalaga ang aking kapatid na Jose bilang nag-iisang tagapagmana.  Aking tinatanggalan ng mana ang aking kapatid na Bernie dahil hindi niya ako sinuportahan noong ako ay walang wala.”

Tanong:
Pagkatapos mamatay si Gilbert, si Bernie ba ay karapatang makibahagi sa naiwang kayamanan sa kadahilanang ang pagtatanggal ng mana ay depektibo dahil hindi napatunayan ni Gilbert na tunay ngang hindi sinuportahan si Gilbert?

Sagot:
Si Bernie ay walang karapatang makibahagi sa naiwang kayamanan ni Gilbert.  Hindi sa kadahilanang hindi napatunayan ni Gilbert na tunay ngang hindi sinuportahan ni Bernie kundi dahil siya ay hindi compulsory heir.  Ang batas sa pagtatanggal karapatang magmana ay para lamang sa mga compulsory heir.  Hindi ito kailangan para sa mga voluntary heir o legatee o devisee.  Dahil si Bernie ay isang voluntary heir, hindi na kailangang tanggalan pa siya ng karapatang magmana.  Dahil walang compulsory heir ay wala ring legitime na pinoprotektahan ng batas.  Ang resulta ay lahat ng naiwang kayamanan ay masasabing free portion ang kabuuan na maaring ibigay ng namatay sa kanino mang kanyang nanaisin at dapat na nakasaad sa kanyang testamento at huling habilin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento