Lunes, Marso 5, 2012

inheritance of an offending spouse


Ang asawang lalaki ay nabigyan ng desisyong hiwalayan dahil sa pakikiapid ng asawang babae.

Tanong:
Magmamana ba ang asawang babae sa kanyang asawang lalaki.
(a)  Kung walang testamento at huling habilin?
(b)  Kung merong testamento at huling habilin?

Mga sagot:
(a)  Ang asawang babae ay hindi magmamana sa kanyang asawang lalaki kung walang testamento at huling habilin.  Ayon sa Civil Code, ang nagkasalang asawa ay hindi puwedeng magmana mula sa di nagkasalang asawa kung walang testamento at huling habilin.

(b)  Depende.  Kung ang testamento at huling habilin ay ginawa bago ang desisyon ng korte sa hiwalayan, malinaw na hindi magmamana ang asawang babae sa kanyang asawang lalaki.  Ayon sa Civil Code, ang mga nakasaad sa testamento at huling habilin na mamanahin ng nagkasalang asawa ay ipapagwalang saysay ng batas.  Ngunit kung ang testamento at huling habilin ay ginawa pagkatapos maibigay ang desisyon ng hiwalayan, walang dudang magmamana ang nagkasalang asawa.  Ang rason ay maliwanag, mayroon ng pagpapatawad sa bahagi ng walang salang asawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento