Lunes, Marso 26, 2012

Even the dead inherit


#18 NOEL | October 19, 2010
My grand parents left a piece of land for their children, thus there is no last will and testament existing, now the only sibling left is my father, given the condition he is now disposing the land, but some of his nieces are against it. Who really if legitimately has the right to dispose the land, my father being the son of the grandparents or the nieces being the grandchildren?
Please do help me clarify this issue.Thanks

Sagot:
Ayon sa batas, kailangang mailipat sa pangalan ng tagapagmana ang mga kayamanan ng yumao anim na buwan pagkatapos ng kanyang kamatayan.  Ang mga tagapagmana ay mga anak at mga apo na yumao ang mga magulang bago namatay ang naglilipat ng kayamanan.

Ayon sa iyong salaysay, walang last will and testament ang iyong grandparents.  Hindi mo rin mabanggit kung pumirma ng extrajudicial settlement of estate ang iyong grandparents para mailipat ang kanilang iniwang kayamanan kanilang buhay na anak at mga apo na nagrerepresenta ng kanilang mga magulang na naunang namatay kaysa sa iyong grandfather.

Sa kaso ninyo, parehong may karapatan ang tatay at ang kanyang mga pamangkin sa kayamanan na iniwan ng iyong lolo.  Dahil ang kayamanan ng iyong lolo ay paghahati ng lahat ng kanyang mga anak, sila may ay buhay o patay na.  Ang mga patay na ay magmamana pa rin at sila ay irerepresenta ng kani-kanilang mga anak.

Kung nasa pangalan pa ng lolo mo ang mga papeles ng iniwan niyang kayamanan, ang tatay mo at lahat ng kanyang pamangkin sa mga kapatid na patay na ay kailangan pumirma sa isang extrajudicial settlement of estate kung saan ang mga anak ng lolo mo kung ilan man sila ay tatanggap ng mana mula sa kanilang ama.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento