Miyerkules, Marso 7, 2012

When is donation perfected?


Si Antonio na nakatira sa Maynila at may kakayahang pumasok sa kontrata at kayang magdonate ng kanyang ari-arian ay nagdonate ng lupain kay Marcela na nakatira sa Davao.  Ang deed of donation ay ipinadala kay Marcela sa Davao.  Pagkatapos ng isang taon, tinanggap ni Marcela nagdonasyon.  Bago nito, si Antonio ay nabaliw at baliw pa rin noong natanggap ang dokumentong nagsasaad na tinanggap ni Marcela ang donasyon.  Si Antonio ay namatay pagkalipas ng ilang araw na hindi bumabalik ang katinuhan.  Ayaw ibigay ng mga tagapagmana ni Antonio ang nasabing lupa kay Marcela sa kadahilanang hindi nabuo ang kasunduan sa donasyon dahil walang kakayahang si Antonio na pumasok sa kontrata noong natanggap ang dokumentong nagsasaad ng pagtanggap ni Marcela sa donasyon.

Tanong:
Tama ba ang mga tagapagmana ni Antonio sa hindi pagbibigay ng lupa kay Marcela?

Sagot:
Ayon sa batas, Article 737 ng Civil Code, ang kakayahan ng nagbigay ng donasyon ay importante sa pagbibigay ng donasyon.  At ayon sa Article 734, ang kasunduang pagbigay ng donasyon ay nabubuo kapag nalaman ng nagbigay ng donasyon na tinanggap ng tumanggap ng donasyon.  Samakatuwid, kapag binanggit ng batas ang pagbibigay ng donasyon, ang importanteng pagkakataon ay malaman ng nagbigay ng donasyon na tinanggap ang kanyang donasyon at hindi sa okasyon ng pagpirma niya sa documento ng pagbibigay ng donasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento