Miyerkules, Marso 28, 2012

A Prayer

Ama mi nga nailangitan, daydayawen daka, itantan-ok daka, agrukbab kam kenka. Ta sika ti namarsua ti langit ken daga.


Pakawanem kuma dagiti basbasol mi, dagiti nagkurkurangan mi iti kapada mi nga tattao. Iti saan mi nga pangsurot kadagiti annuruten, linteg ken sursurom.


Agyaman kami ta nadanon manen iti tinaw-en nga inkam panangsilebrar iti fiesta iti patron mi nga Nuestra Senora del Rosario.  Agyaman kami iti adu unay nga parabor iti nagdalan nga tawen. Agyaman kami iti salun-at mi. Agyaman kami iti napintas nga ani.


Sapay kuma ta agtultuloy iti talna ken kapya ditoy Barangay Seselangen ken intero nga pagilian ti Pilipinas. Sapay kuma ta paraburan na kami iti aglaplapusanan nga grasyam.  Sapay kuma ta ti turay nga nalinteg ket antantanoy.


Dawdaten mi amin dagitoy iti nagan ni HesuCristo nga makipag-ari kenka, ken iti timpuyog iti Espiritu Santo. Ita ken inton kaanuman. Amen.

Lunes, Marso 26, 2012

Even the dead inherit


#18 NOEL | October 19, 2010
My grand parents left a piece of land for their children, thus there is no last will and testament existing, now the only sibling left is my father, given the condition he is now disposing the land, but some of his nieces are against it. Who really if legitimately has the right to dispose the land, my father being the son of the grandparents or the nieces being the grandchildren?
Please do help me clarify this issue.Thanks

Sagot:
Ayon sa batas, kailangang mailipat sa pangalan ng tagapagmana ang mga kayamanan ng yumao anim na buwan pagkatapos ng kanyang kamatayan.  Ang mga tagapagmana ay mga anak at mga apo na yumao ang mga magulang bago namatay ang naglilipat ng kayamanan.

Ayon sa iyong salaysay, walang last will and testament ang iyong grandparents.  Hindi mo rin mabanggit kung pumirma ng extrajudicial settlement of estate ang iyong grandparents para mailipat ang kanilang iniwang kayamanan kanilang buhay na anak at mga apo na nagrerepresenta ng kanilang mga magulang na naunang namatay kaysa sa iyong grandfather.

Sa kaso ninyo, parehong may karapatan ang tatay at ang kanyang mga pamangkin sa kayamanan na iniwan ng iyong lolo.  Dahil ang kayamanan ng iyong lolo ay paghahati ng lahat ng kanyang mga anak, sila may ay buhay o patay na.  Ang mga patay na ay magmamana pa rin at sila ay irerepresenta ng kani-kanilang mga anak.

Kung nasa pangalan pa ng lolo mo ang mga papeles ng iniwan niyang kayamanan, ang tatay mo at lahat ng kanyang pamangkin sa mga kapatid na patay na ay kailangan pumirma sa isang extrajudicial settlement of estate kung saan ang mga anak ng lolo mo kung ilan man sila ay tatanggap ng mana mula sa kanilang ama.

Miyerkules, Marso 21, 2012

Share of illegitimate children in intestate estate


#17 ANTONIO SABANTO | September 03, 2010
we are six children of late juana sabanto. our eldest brother is of different father and we 5 are of other father. we were registered to the family name of our mother in short we all illegitimate children. our mother acquired parcel of lands during her living-in with my father.3 hectares is titled and the other parcel are covered by tax declaration. we plan to subdivide it, we gathered altogether but our eldest brother is arrogant in saying that i will give away and he is not interested but i let him execute an affidavit and he insisted to do so but he told me that he is willing to accept whatever parcel we give. my question is, is he right on his decision? what should i do to solved this problem? we are already on the legal ages, we have families and i don't want that someday trouble arises with our children and grandchildren

Sagot:
Ayon sa batas, ang mana ng isang illegitimate child ay kalahati ng mana ng isang legitimate child.

Ayon sa iyong salaysay, hindi mo nabanggit kung buhay pa ang legal na asawa ng iyong ina.  Kaya ipalagay na lang natin na siya ay patay na rin.  Ang naiwang kayamanan ng inyong ina na hindi nag-iwan ng last will and testament ay ibibigay sa inyo sa ganitong bahagi: Ang panganay ninyo ay tatanggap ng kalahati ng kayamanang iniwan ng inyong ina at ang natitirang kalahati ay paghahatian ninyong limang illegitimate children.
 
Pino-protektahan ng batas ang legitime ng legitimate children kahit sa intestate succession. At hindi na rin nasusunod ang tadhana ng batas na ang parte ng illegitimate child ay kalahati ng parte ng isang legitimate child.

Lunes, Marso 19, 2012

Put it in writing


#16 ELIZABETH TABAG | August 20, 2010
My father and mother are both widowed and i am their only daughter. I have 6 siblings with my mom before she got widowed and i have 2 siblings too with my father before i was born. My father died 7 yrs ago and he left a 180 sq. m.lot. Before my father died he said that he will give the lot to me. But my mom wants to give the half portion to one of my sibling to her first husband on her first nuptial who she claims to be hers. how much portion could i get from the said lot? what about my mother how much portion could she get? does she has the right to give a certain porion or her share to one of my sibling to her first husband of first nuptial? could i get the whole lot which my father had verbally states that the lot was to be given to me with any written document. The lot was not yet been titled and was not been yet transferred to my mom's name. could we still recover it and be directly transfer to my name even with my mom's permission?

Sagot:
Ayon sa batas, kapag namatay ang isang tao paghahatian ng kanyang tagapagmana ang kanyang naiwang kayamanan.  Kung ang naiwang tagapagmana ay asawa at anak, kanilang paghahatian ang naiwang kayamanan.

Sa iyong kaso, ang naiwan ng iyong ama ay paghahatian ninyo ng iyong ina.  Kalahati sa iyo at kalahati sa kanya.  Dahil minana ng iyong ina ang kalahati, mayroon siyang karapatan at kalayaan na ipamigay ito kahit na sinong kanyang maibigan.

Ang pangalan sa 180 sq.m. lot ay dapat inilipat sa pangalan ninyong mag-ina anim na buwan pagkatapos mamatay ang iyong ama.  Ito ay obligasyon ng tagapagmana sa batas.  Dahil nasa pangalan pa ng iyong ama ang lupa, meron na kayong penalty babayaran sa BIR sa paglipat ng pangalan mula sa iyong ama sa inyong mag-ina.

Maaari mo lamang ilipat sa pangalan mo ang buong lupa kung payag ang iyong ina na pumirma ng quitclaim na pabor sa iyo sa dokumentong extrajudicial settlement of estate with quitclaim.

Martes, Marso 13, 2012

Rights of a ward vs a legally adopted


#15 ROSALINDA O. | August 17, 2010
I have read the Philippine laws of inheritance in your page.I am currently residing in California and I was informed that the house and lot owned by my first cousin(our degree of blood relationship)was sold by her husband before he died in 2009 to his sister.I was adopted or reared by my first cousin when I was one and a half years old without any documents to prove I was brought up by her but all our neighbors and her co-teachers can testify to the truth that I grew up with her and considered me as her daughter.When my cousin was still alive she always tell me verbally in the presence of her husband that the property will be mine without living any will. When It was foreclosed I helped my cousin to get it back from Pagibig by giving her the money she needs.They don't have any children. Now my cousin died and her husband sold it to his sister before this husband died. I want to get back the property since it is not conjugal, it was purchased by my cousin when she was still single.I want to claim and get it as a sole heir. I want to file a case against her but some younger lawyers tells me I have no win in this case.I want to get it back because the husband did not have any contribution in the said property nor in the building of the house.Can I get it back by filing a case or should I buy it from the new owner which I can't really believe she deserves to own it.It is not a conjugal property the husband just married my cousin for security purposes since my cousin is ten years or more older than the husband. Please email me as soon as possible because I want to file a case against this new owner. Thank you.

Sagot:
Ayon sa iyong salaysay, ikaw ay pinalaki ng iyong pinsan. Walang formal na adoption na nangyari para ikaw ay maging anak niya.  Ipinaalam lang sa madla na ikaw ay kanyang itinuturing na anak.

Ayon din sa iyo, ikaw ay nagbigay ng pera sa pinsan na nagpalaki sa iyo para matubos ito sa Pag-ibig nang ito ay maremata.  Subalit ng namatay ang asawa ng pinsan mo, kanyang ibinenta ito sa kanyang kapatid bago siya namatay.

Dahil namatay na ang asawa ng pinsan mong umampon sa iyo, hindi mo na siya masingil doon sa perang ibinigay mo sa iyong pinsan para tubusin ang pagkasangla sa Pag-ibig.

Ayon sa batas, ang taong hindi inampon sa pamamagitan ng desisyon ng korte ay walang karapatan sa naiwang kayamanan nito.  Ayon din sa batas, ang asawang lalaki ay maging tagapagmana ng asawang babae na naunang namatay.

Sa iyong kaso, dahil hindi ka legally adopted ng pinsan mo wala kang karapatan sa kanyang naiwang kayamanan.  Kung namatay na rin ang mga magulang ng pinsan mo nang siya ay namatay, ang tanging tagapagmana niya ay ang kanyang asawa.

Ang tanging magagawa mo ay bilhin ang nasabing lupa kung payag ang bumili nito na ibenta sa iyo.

Lunes, Marso 12, 2012

Do not sleep on your rights!


#13 KIM MALAR | August 13, 2010
My Mother is one of the registered owner as declared on the OCT with a Homestead Patent issued in 1965.She's quite old and unaware of what and how it happened when a developer was able to "snatched" the titled land from my Father who passed away 10 years ago. Now that we (the children) are all grown and asked what happened to the land, my Mom could hardly recall. We found the copy of the OCT and four other TCT's that arose from it. All annotations on the back of the TCT's were carefully analyzed and just does not seem to jive so now we are trying to find some answers.At some point,the land was auctioned off and my father had issued a restraining order to not issue a TCT to the highest bidder for he has the right as a registered owner for the redemption of the same. Two years later, a consolidation of ownership was noted and five months prior to consolidation, a deed of sale was done by the highest bidder to the new owner and was issued a TCT. The consolidation and the deed of sale were both inscripted on the same day, same time and the same year.  Could there have been some hocus focus in the local Register of Deeds? The new owner had started developing the land since then (about 30 years ago now) and I found out that there are 3 model homes built. They were able to subdivide the land into 600 lots, got copies of the title of 600 lots, read and analyzed, 1/3 were sold, a few were mortgaged, and 1/3 tax levied and a part on joint venture. I have talked to a few people who already had paid for the lot but said that they can not get the title of their paid lot. What do you think is going on why they cannot issue the title? Let me know if you can help me find answers, Thanks.

Sagot:
Gawing mong mas malalim ang iyong pagsasaliksik. Huwag kang makontento sa pagtingin sa mga titulo lamang.  Ayon sa iyong salaysay, ikaw ay nagsususpetsang inagaw ng developer ang titulo ng lupaing nakatitulo sa iyong ina.  Humingi ka ng kopya ng deed of sale sa pagitan ng iyong ina at ang developer mula sa Register of Deeds sa inyong lugar.  Ang deed of sale na iyon ang basehan ng Register of Deeds na kanselahin ang OCT ng nanay mo at mag-isyu ng apat na TCT ang Register of Deeds. Dahil naging apat, malamang ng mayroong approved survey plan na ibigay ng developer sa Register of Deeds.

Ayon sa iyong salaysay, maaaring ang lupain ng iyong ina ay naisanla kaya dumaan sa foreclosure proceedings sa korte kaya nakahingi ng restraining order ang tatay mo na huwag mag-issue ng TCT dahil mayroon siyang right of redemption.  Ngunit ang right of redemption ay dapat gawin sa loob ng isang taon pagkatapos ng foreclosure sale.  Kung hindi matubos sa loob ng isang taon, mag-iisyu ang korte ng consolidation and deed of sale sa highest bidder at mairegistro nang siya ang bagong may-ari.

Dahil nga developer ang bagong may-ari, pina-subdivide niya sa maliit ng parsela ang lupa para medaling ibenta.  Ang maaaring dahilan kaya hindi maibigay ng developer ang titulo sa mga nakabili na fully paid na ay dahil ang titulo ng lupa ay naisanla para gamitin sa pagpadevelop ng lupa.  Hanggat hindi nababayaran ang utang, hindi rin muna matutubos sa pagkasanla.

Linggo, Marso 11, 2012

Does a brother have a legitime?


Ang natitirang kamag-anak ni Gilbert ay ang kanyang mga kapatid na Jose and Bernie. 
Si Gilbert ay gumawa ng testamento at huling habilin na nagsasaad ng ganito: “Aking itinatalaga ang aking kapatid na Jose bilang nag-iisang tagapagmana.  Aking tinatanggalan ng mana ang aking kapatid na Bernie dahil hindi niya ako sinuportahan noong ako ay walang wala.”

Tanong:
Pagkatapos mamatay si Gilbert, si Bernie ba ay karapatang makibahagi sa naiwang kayamanan sa kadahilanang ang pagtatanggal ng mana ay depektibo dahil hindi napatunayan ni Gilbert na tunay ngang hindi sinuportahan si Gilbert?

Sagot:
Si Bernie ay walang karapatang makibahagi sa naiwang kayamanan ni Gilbert.  Hindi sa kadahilanang hindi napatunayan ni Gilbert na tunay ngang hindi sinuportahan ni Bernie kundi dahil siya ay hindi compulsory heir.  Ang batas sa pagtatanggal karapatang magmana ay para lamang sa mga compulsory heir.  Hindi ito kailangan para sa mga voluntary heir o legatee o devisee.  Dahil si Bernie ay isang voluntary heir, hindi na kailangang tanggalan pa siya ng karapatang magmana.  Dahil walang compulsory heir ay wala ring legitime na pinoprotektahan ng batas.  Ang resulta ay lahat ng naiwang kayamanan ay masasabing free portion ang kabuuan na maaring ibigay ng namatay sa kanino mang kanyang nanaisin at dapat na nakasaad sa kanyang testamento at huling habilin.

Miyerkules, Marso 7, 2012

When is donation perfected?


Si Antonio na nakatira sa Maynila at may kakayahang pumasok sa kontrata at kayang magdonate ng kanyang ari-arian ay nagdonate ng lupain kay Marcela na nakatira sa Davao.  Ang deed of donation ay ipinadala kay Marcela sa Davao.  Pagkatapos ng isang taon, tinanggap ni Marcela nagdonasyon.  Bago nito, si Antonio ay nabaliw at baliw pa rin noong natanggap ang dokumentong nagsasaad na tinanggap ni Marcela ang donasyon.  Si Antonio ay namatay pagkalipas ng ilang araw na hindi bumabalik ang katinuhan.  Ayaw ibigay ng mga tagapagmana ni Antonio ang nasabing lupa kay Marcela sa kadahilanang hindi nabuo ang kasunduan sa donasyon dahil walang kakayahang si Antonio na pumasok sa kontrata noong natanggap ang dokumentong nagsasaad ng pagtanggap ni Marcela sa donasyon.

Tanong:
Tama ba ang mga tagapagmana ni Antonio sa hindi pagbibigay ng lupa kay Marcela?

Sagot:
Ayon sa batas, Article 737 ng Civil Code, ang kakayahan ng nagbigay ng donasyon ay importante sa pagbibigay ng donasyon.  At ayon sa Article 734, ang kasunduang pagbigay ng donasyon ay nabubuo kapag nalaman ng nagbigay ng donasyon na tinanggap ng tumanggap ng donasyon.  Samakatuwid, kapag binanggit ng batas ang pagbibigay ng donasyon, ang importanteng pagkakataon ay malaman ng nagbigay ng donasyon na tinanggap ang kanyang donasyon at hindi sa okasyon ng pagpirma niya sa documento ng pagbibigay ng donasyon.

Transfer titles when someone dies


#12 JOSEL ALCURAN | August 11, 2010
My father died 1999, 11 years ago, and just learned that the house that we are living need to be transfer to us. The title of the estate is still with my grandparents who passed away 1979(Grandfather) and 1981(Grandmother). My Mom still lives with us. We are continiuosly paying the real state tax but I heard that we also need to pay the estate tax or inheritance tax. The zonal value of the estate is around 1M Pesos.
Kindly enlighten us how we can arrange to fix this issues and to whom we need to coordinate. I will appreciate also if you can give us some advise to reduce the cost of the fees. Thanks in advance.

Sagot:
Para sa iyong kabatiran, ang real estate tax ay buwis sa lupa at bahay na ipinataw ng pamahalaang panlalawigan na kinukulekta ng mga bayan o siyudad at ang estate tax ay buwis sa paglilipat ng kayamanan mula sa yumao sa kanyang mga tagapagmana.  Ang estate tax naman ay ipinapataw ng pamahalaan ng Pilipinas at kinukulekta ng Bureau of Internal Revenue.
Ayon sa batas, ang mga tagapagmana ay may obligasyon na abisuhan ang Bureau of Internal Revenue sa loob ng dalawang buwan na ang isang taong may naiwang kayamanan ay namatay na.  Ang pangalawang obligasyon ng mga tagapagmana ay partehin ang naiwang kayamanan sa loob ng anim na buwan mula sa pagkamatay ng yumao.
Sa kaso ninyo, noong namatay ng lolo mo noong 1979 sana ay inilipat ang kanyang mga ari-arian sa kanyang mga tagapagmana.  Ganoon din noong 1987 noong namatay ang lola mo, sana inilipat din ang mga ari-arian sa kanyang pangalan sa kanyang mga tagapagmana.  At noong 1999 na namatay ang tatay mo, sana inilipat ang mga ari-ariang minana at ipinundar sa inyong ina at sa inyong magkakapatid bilang kanyang tagapagmana.  Dahil hindi ninyo nagawa ang itinatadhana ng batas, kayo ay magbabayad ng penalty sa hindi pagbibigay ng abiso sa loob ng dalawang buwan muna sa pagkamatay ng mga yumao.  At penalty rin sa hindi paglilipat ng kayamanan ng yumao sa mga tagapagmana sa loob ng anim na buwan mula sa kanilang pagkamatay.
Pumunta kayo sa isang abogado na malawak ang kaalaman tungkol sa settlement of estate at alam ang batas at patakaran ng Bureau of Internal Revenue para matulungan kayo sa pagsasaayos sa paglilipat ng mga kayamanan sa inyong mga pangalan.

Lunes, Marso 5, 2012

inheritance of an offending spouse


Ang asawang lalaki ay nabigyan ng desisyong hiwalayan dahil sa pakikiapid ng asawang babae.

Tanong:
Magmamana ba ang asawang babae sa kanyang asawang lalaki.
(a)  Kung walang testamento at huling habilin?
(b)  Kung merong testamento at huling habilin?

Mga sagot:
(a)  Ang asawang babae ay hindi magmamana sa kanyang asawang lalaki kung walang testamento at huling habilin.  Ayon sa Civil Code, ang nagkasalang asawa ay hindi puwedeng magmana mula sa di nagkasalang asawa kung walang testamento at huling habilin.

(b)  Depende.  Kung ang testamento at huling habilin ay ginawa bago ang desisyon ng korte sa hiwalayan, malinaw na hindi magmamana ang asawang babae sa kanyang asawang lalaki.  Ayon sa Civil Code, ang mga nakasaad sa testamento at huling habilin na mamanahin ng nagkasalang asawa ay ipapagwalang saysay ng batas.  Ngunit kung ang testamento at huling habilin ay ginawa pagkatapos maibigay ang desisyon ng hiwalayan, walang dudang magmamana ang nagkasalang asawa.  Ang rason ay maliwanag, mayroon ng pagpapatawad sa bahagi ng walang salang asawa.

Linggo, Marso 4, 2012

Real Estate Tax is different from Estate Tax


#11 CEE | August 06, 2010
our father died 20 years ago. our residencial property was transfer in the name of our mom and us (as heirs of our father and not by our names). our mom died 4 years ago (no last will). we religious pay our real estate taxes. just over 3 months ago we received a notice from BIR that we should transfer properties in her name to us heirs. we are not aware of the immediate need for the transfer and we are worried about the fees and taxes that we need to pay. could you please enlightened us about the process of land transfer and what are the fees that would be incured (how much). and what tax deductions which could be applied to lower the cost. what does "family home means"? Thanks.

Sagot:
Ayon sa batas, ang mga tagapagmana ay may obligasyon na abisuhan ang Bureau of Internal Revenue sa loob ng dalawang buwan na ang isang taong may naiwang kayamanan ay namatay na.  Ang pangalawang obligasyon ng mga tagapagmana ay partehin ang naiwang kayamanan sa loob ng anim na buwan mula sa pagkamatay ng yumao.
Dagdag sa iyong kaalaman, ang real estate taxes ay binayaran taon-taon sa munisipyo na ipinataw ng pamahalaang panlalawigan.  Ang buwis naman para sa paglipat ng kayamanan mula sa patay sa mga tagapagmana ay estate tax na ipinapataw ng pamahalaan ng Pilipinas.
Ang proseso sa paglilipat ng naiwang kayamanan mula sa inyong ina sa inyong kanyang mga anak bilang tagapagmana pamamagitan ng extrajudicial settlement of estate kung saan pipirmahan ninyong magkakapatid.  Kukuwentahin ang gross estate gagamitin ang zonal value ng lupain at mga istruktura na nakatayo sa nasabing lupain.  Ang maaaring ibawas sa gross estate ang zonal value ng family home pero hindi hihigit sa P300,000.00 at ang standard deduction na P1 million, at iba pang deduction na pinapayagan ng Internal Revenue Code ng Pilipinas.
Ang family home ay ang bahay o tirahan ng yamao na maaari niyang ipamana sa kanyang mga tagapagmana.

Sabado, Marso 3, 2012

You cannot sell what you do not own.


#10 RONDA | July 30, 2010
a friend of mine enheritted a property from her deceased mother. the bigger portion of her property was given to her and her siblings back home wants to sell all inheritted properties including hers which she really opposed to and had told them she's against it. the problem is the property title has not yet been transfered to he name. what legal steps should she take to make sure none of them back in the philippines can sell her inheritted properties? if she would need to hire a lawyer locally in the philippines will she need them to file an affidavit to freeze any sale proceedings?how much would this process cost?

Sagot:
Ayon sa iyong salaysay, may lupain minana ang kaibigan mo mula sa kanyang nanay at sa kasalukuyan ay nakapangalan pa rin ang lupain sa pangalan ng kanyang nanay at hindi pa naililipat sa kanilang magkakapatid.

Ayon sa batas, hindi mo maaring ibenta ang hindi iyo.  Ibig sabihin, dahil ang lupa ay nakapangalan pa sa nanay ng kaibigan mo, wala sa mga kapatid niya ang maaaring magbenta nito dahil wala pa sa kanilang pangalan. At kung wala pa sa kanilang pangalan, hindi pa sila ang may-ari nito.

May obligasyon ang mga tagapagmana sa batas, kailangang abisuhan ang Bureau of Internal Revenue sa loob ng dalawang buwan na ang isang taong may naiwang kayamanan ay namatay na.  Ang pangalawang obligasyon ng mga tagapagmana ay partehin ang naiwang kayamanan sa loob ng anim na buwan mula sa pagkamatay ng yumao.

Para makuha ng kaibigan mo ang kanyang parte sa kayamanan ng kanyang ina, kailangan nilang magkakapatid ang pumunta sa abogado at magpagawa ng Extrajudicial Settlement of Estate ng ina ng kaibigan mo.  Sa documentong ito, ang kaibigan mo at ang kanyang mga kapatid ay pipirma para malipat sakanila ang kanilang kanya kanyang mana mula sa kanilang ina. 

Huwebes, Marso 1, 2012

Can a former Filipino own properties in the Philippines?


#9 BILL ROSALES | July 22, 2010
My mom passed away back in 2003 and left house and lot in the province, she bought the land when she was still a Filipino citizen, after becoming a US citizen prior to retiring in the Philippines, she built a house on the lot. She had no will. Is it possible for a US citizen son or daughter to inherent the house and and sell the property?

Sagot:
Ayon sa batas, ang isang hindi Filipino ay maaaring magmay-ari ng bahay at lupa sa Pilipinas kung ito ay kanyang mamanahin.

Sa kaso mo Bill, kahit na sa Amerika ka na ipinanganak maaari ka pa ring magmay-ari ng bahay at lupa sa Pilipinas kung ito’y iyong mamanahin.  Siyempre, kung nasa pangalan mo na ang papeles ng bahay at lupa puwede mo na ring ibenta ito kung ito ang nais mo.