#8 M L HITT | July 20, 2010
My son is a US citizen and surviving spouse of a naturalized US
citizen from the Phillippines. She owned extensive property in Manila with her
mother and brother. She died without a will in the US. Is my son entitled to
ownership of the property in her name in Manila? If so, what should be his
first step to claim the properties?
Sagot:
Ayon sa batas, kung ang asawa ay mamatay at mag-iwan ng kayamanan at ang
naiwang tagapagmana ay nanay at asawa ang mamanahin ng naiwang asawa ay ika-apat
ng bahagi at sa nanay na ang natitira. Hindi
magmamana sa kanya ang kanyang kapatid dahil buhay pa ang kanyang nanay.
Sa kaso ng inyong anak, siya ay magmamana sa kanyang asawa sa mga
kayamanang nakapangalan sa kanyang yumaong asawa ng ika-apat na bahagi. Para sa mga ari-ariang nasa pangalan ng ina
at kapatid ng yumaong asawa ng inyong anak, kailangan pang alamin kung anong
bahagi nito ang pagmamamay-ari ng yumao.
Kinakailangan din kasing ihiwalay ang parte ng yumao at mailipat ito sa
kanyang mga tagapagmana.
Kung maganda pa ang ugnayan ng anak mo sa kanyang biyanan at bayaw,
maari silang pumirma ng Extrajudicial Settlement of Estate ng kanyang yumaong
asawa. Ngunit kung hindi na maganda ang
kanilang ugnayan at nais pa rin ng anak mong makuha ang kanyang mana sa kanyang
asawa, kailangan niyang magsampa ng kasong partition.
Isang paglilinaw, ang hindi Filipino citizen ay puwedeng magmay-ari ng
lupain sa Pilipinas kung ang pagmamay-ari nito ay sa pamamagitan ng mana.