Huwebes, Agosto 16, 2012

Water Refilling Station


Sa isang siyudad sa Pangasinan, maraming naglipanang water refilling station.  Mas marami pa ang kanilang bilang sa bilang ng barangay sa nasabing lungsod.  Mahigit kalahati sa kanilang bilang ang walang kaukulang permit mula sa Department of Health para magpatakbo ng isang water refilling station.  Wala rin silang business permit mula sa Business Permit and License Office ng lungsod.

Tumigil bumili ng tubig sa isang water refilling station ang pamilya ni Aling Sebya dahil sumakit ang tiyan ng mga bata kapag umiinom nito.  Kanyang napag-alaman na wala palang Mayor’s Permit ang nasabing water refilling station.

Tanong:
Sino ang maaaring kasuhan ni Aling Sebya sa pagkakasakit ng tiyan ng kanyang mga anak?

Sagot:
Ang mga maaaring kasuhan ni Aling Sebya ay ang sumusunod:  ang water refilling station, ang City Health Office at ang Business Permit and License Office.

Ang water refilling station ay mananagot dahil sa kagustuhang kumita, siya ay nagbenta ng tubig na dahilan ng sakit ng kanyang mga customer at kahit wala siyang kaukulang mga dokumento para sa nasabing bisnis.

Ang City Health Office at Business Permit and License Office ay maaaring kasuhan dahil sa pagpapabaya sa tungkulin.  Hindi dapat hinayaan ng City Health Office at Business Permit and License Office na magbukas at magbenta ng tubig ang nasabing water refilling station kung ito ay hindi pa nainspection ng City Health Office na hindi kontiminado ang tubig na ibinibenta.  Meron ding pagpapabaya ang Business Permit and License Office dahil hinayaang magbukas at magbenta ang nasabing water refilling station kahit wala pa itong Mayor’s Permit mula sa kanila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento